Sobre Rojo (Episode 16): Ang mga Nagbagong Plano

Standard

This is an adaptation of Fingersmith by Sarah Waters.

In my original plan, this was supposed to be Chapters 16 and 17, but I thought those two chapters were too short, so I decided to compress them into this one.

Remember, the episodes are compiled in the Shows tab.

Please, please, please feel free to leave your comments, enjoy reading!

Next chapter would most likely come up on Friday, I’m trying to finish this before the semester starts.

Geri

___________________________________________________

Pumanhik si Ophelia sa kwarto ng tiyahin ni Camilo kung saan sila nanatili ni Sining bago ang kasal. Hindi na niya nais pang isipin kung ano man ang ginagawa nila kay Sining sa baba. Nangako si Camilo sa kaniya na hindi niya papaslangin si Sining, at iyon ay nagdulot ng kapayapaan sa kaniyang puso, ngunit biglang napakapit ang dalaga sa kaniyang dibdib. Napatingin si Ophelia sa baba. Naisip niya kung bakit ganoon na lamang kadali na ipangako ni Camilo na hindi niya papatayin si Sining. Napakadali lamang ng kamatayan, marami pang binabalak ang binata sa kaniyang lingkod.

Ngunit wala nang saysay ang bumaba pa si Ophelia at pigilan kung ano man ang balak ni Camilo. Siya ang nagdala sa lingkod sa kaniyang paghihirap, siya ay namili, at pinili niya ang kaniyang sarili. Naglakad siya patungo sa kama at kinuha ang blusa ni Sining na nandoon pa rin, inilapit sa kaniyang mukha at nilanghap ang amoy nito. Pinupog ni Ophelia ng halik ang kuwelyo, ang manggas, ang mga butones at pinaliguan niya ng mga luha ang laylayan. Isang hikbi ng pananangis ang lumabas mula sa kaniyang bibig.

“Sining, mahal ko! Patawarin mo ako! Kay tagal kong hinintay ang kalayaan! Ngunit ikaw, hindi ko alam na ikaw ay darating.”

Matapang si Sining, at alam iyon ni Ophelia. Kakayanin at malalampasan niya ano mang pahirap ang gawin sa kaniya ni Camilo. Alam niyang matatapos din ang himagsikan, at mabubuhay ng matagal si Sining. Maaaring kasama si Lucas, at nabuo nilang pamilya, at magiging masaya, habang siya ay nasa malayo nang lugar. Muling lumuha si Ophelia.

“O, Sining, hindi ko kailangan ng buong buhay mo, sapat na sa akin ang isang sandali, habang buhay ko itong dadalhin sa akin puso.”

Inilapit niya ang mga daliri sa kaniyang labi, nandoon pa din ang lasa ni Sining. Nilibot ni Ophelia ang silid, at nandoon, nananatili ang amoy ni Sining, sa bawat sulok, sa bawat pader, sa mga kobre kama. Kung mailalagay lamang iyon ni Ophelia sa isang bote, upang baunin sa kaniyang paglalakbay.

At noon din ay natabig ng paa ni Ophelia ang kulay asul na botelya ni Sining, ang botelyang alam niyang naglalaman ng pampatulog na nilagay ni Sining sa handa ng kasalan. Pinulot ito ni Ophelia, ang tanda ng pagtataksil ni Sining sa kaniya, at inilapit ito sa kaniyang dibdib.

“Pinapatawad kita, Sining, sa iyong dapat na gagawin sa akin. Ako’y tulad mo din, biktima ng pagkakataon. Ngunit hindi tulad mo, pinagtaksilan lamang kita para sa aking sarili, samantalang ikaw ay bayani.”

Hinagkan ni Ophelia ang botelya at ibinulsa, sa pagnanais na itago ang ano mang magpapaalala sa kaniya kay Sining.

Nagpalit si Ophelia ng blusa. Masyadong magarbo ang suot niya para sa gagawing paglalakbay, ngunit pinanatili niya ang suot na palda sapagkat ito ay kumportable. Kinuha niya ang paldang sinuot mula Malolos at kinuha sa bulsa nito ang papel kung saan nakaguhit ang hubad na larawan ni Sining. Ito ay ibinulsa din niya sa kasalukuyang suot na palda.

Nagsimula nang mag-impake at mag-ayos si Ophelia, bagaman wala nang masyadong kailangang ayusin. Inimpake nang lahat ni Sining ang kakailanganin niya sa pag-aakalang ang mga kagamitang iyon ay para sa pagtatanan nila ni Camilo. Tumungo siya sa tukador at kinuha ang ilang mamahaling hiyas, kuwintas at hikaw ng tiyahin ni Camilo. Marahil hindi na ito mapapansin ng binata, sapagkat bukas pa lamang ay wala na siya, at isa pa, abala si Camilo sa kaniyang paghihiganti. Kinailangan niyang kuhanin ang mga alahas na iyon, sakali mang kulang ang ibigay na pera ni Camilo.

Matapos ang lahat ng iyon ay nahiga si Ophelia sa kama at hinintay na lamang ang pagdating ni Camilo. Kasama sa plano nila ang pagtulong ni Camilo upang makapagsimula si Ophelia. Bilang kabayaran sa kaniyang serbisyo, bibigyan siya ni Camilo ng tiket sa isang bapor na patungong Hong Kong na aalis bukas ng umaga. Ang tiket na iyon ay wala nang balikan. Doon, kinausap ni Camilo ang isang kaibigang pintor na may studio upang siya ay patirahin at bigyan ng hanapbuhay. Bibigyan din siya ni Camilo ng salapi.

Naidlip si Ophelia sa kahihintay kay Camilo nang kumatok ang binata sa silid. Alas tres na ng umaga at namulat si Ophelia at bumangon. Nakangiting pumasok ang lalaki sa silid at umupo sa kama sa tabi ni Ophelia. Tinangka niyang hawakan ang kamay ng asawa ngunit inilayo ng dalaga ang mga ito.

“Anong problema, Ophelia? Asawa na kita,” ani Camilo na nanunuya. “Sa mga mata ng diyos.”

“Sana diyos na lamang ang iyong pinakasalan kung gayon,” sagot ni Ophelia.

“Isang kalapastanganan!,” napasigaw si Camilo sa gulat sa sinabi ni Ophelia ngunit hindi ito pinansin ng dalaga.

“Sinaktan mo siya?” tanong ni Ophelia.

“Ang tanging pinangako ko sa iyo ay hindi ko siya papaslangin, Pili,” ani Camilo.

“Huwag mong gamitin ang pangalan na iyan,” ani Ophelia. Lumayo siya kay Camilo.

“Nakahimbing ngayon ang minamahal mo,” ani Camilo. Napatingin sa kaniya si Ophelia.

“Oo, alam ko. Sa tingin mo hindi ko nahahalata ang mga tinginan ninyo? Sa tingin mo hindi ko napapansin kung paano ninyo hawakan ang isa’t isa? At kanina, bago ang salu-salo, sa sobrang paghahangad ninyo sa isa’t isa ay nalimutan ninyong ipinid ang pintuan ng silid na ito at napanood ko ang inyong ginawa. Dito pa, Ophelia, sa mismong kama ng aking tiyahin ninyo ginawa ang kamunduhan at kademonyohan ninyo!” ani Camilo.

“At ano naman iyon sa iyo? Hindi ba’t ako ay kinasangkapan mo lamang?” sagot ni Ophelia. Natutuwa siyang marinig ang inis at galit sa tinig ni Camilo.

“Ang makasalanang pagtingin mo na iyan kay Sining ang muntik nang sumira sa ating mga plano, sa ating pinaghirapan!” ani Camilo.

Napatayo si Ophelia. “Sinunod kita sa huli, Camilo! Pinili kong tuparin ang ating kasunduan kaysa makasama si Sining. Ano pa ba ang iyong maihihiling? Dinala ko sa iyo ang pinakamamahal ko, dinala ko siya sa kapahamakan! Ngayon kailangan mo din na tuparin ang isa mo pang ipinangako sa akin. Iyon ang hinihintay ko, Camilo, hindi ang pagpapagalit mo. Akin na ang tiket at ang salapi at ako ay lilisan na sa iyong harapan. Ideklara mo akong patay upang muli kang makapag-asawa, wala na akong pakialam.”

“Ang tungkol doon,” panimula ni Camilo. “Hindi ka na pupunta ng Hong Kong.”

“Ano?” sagot ni Ophelia.

“Huwag mo sanang isipin na hindi ako marunong tumupad sa usapan. Ang katotohanan ay noong isang linggo pa lamang ay nabili ko na ang iyong tiket patungong Hong Kong. Ngunit kahapon ay ipinagbili ko ito sa aking kumpare. Nagpasabi na din ako sa kaibigan kong pintor na hindi ka na darating. Kapalit nito, bumili ako ng dalawang tiket,” ani Camilo.

“Dalawa?”

“Oo, Ophelia, dalawang tiket. Isa para sa iyo. Isa para sa akin. Patungo sa isang higit na mainam na lugar. Pauwi sa ating España,” sagot ni Camilo.

“At bakit ko gugustuhing umuwi ng España na kasama ka?” ani Ophelia.

“Dahil asawa kita. Uuwi ka sa España bilang aking esposa.”

“Hindi kita maintindihan, Camilo! Idinesenyo mo ang planong ito, hindi lamang upang makapaghiganti sa pumatay sa iyong mga magulang. Ninais mo ding maging tanyag at tumaas ang iyong katayuan sa lupang ito dahil sa pagkakadakip sa anak ng pinakamailap na bandido. Bakit ngayon kung kailan hawak mo na si Sining, saka mo gugustuhing umuwi sa España?” ani Ophelia. Naisip niyang mabuti na lamang at kinuha niya ang mga alahas ng tiyahin ni Camilo. Sapat na iyon upang makabili ng tiket patungong Hong Kong. Doon na lamang niya proproblemahin kung paano mabubuhay.

“Dahil nagbago na ang plano,” sagot ni Camilo.

“At bakit mo babaguhin ang plano nang hindi nagsasabi sa akin?” ani Ophelia.

“Hindi ako ang nagbago ng plano, ang mga kinauukulan,” sagot ni Camilo.

Naupo si Ophelia.

“Ang kaharian ng España ay wala nang balak pang panatilihin ang lupaing ito sa kaniyang nasasakupan. Ang digmaang magaganap sa pagitan ng pamahalaan at ang mga naghihimagsik ay sarswela lamang. Ipagbibili na ng España ang Islas sa mga Amerikano. Walang lugar para sa akin o sa iyo ang bagong lipunang ito,” sagot ni Camilo.

“At alam ito ng mga maghihimagsik?” tanong ni Ophelia.

“Marahil ang alam lamang nila ay tagapagligtas nila ang mga dayuhang galing sa Amerika, tagapagligtas mula sa atin,” sagot ni Camilo.

“Kung gayon, ang lahat ng ginawa na ito ni Sining..,” panimula ni Ophelia.

“Ay para sa wala.” Tuloy ni Camilo. Ngumiti ang binata at napakapit si Ophelia sa kaniyang dibdib.

“Alam na ba ito ng aking ama?” tanong ni Ophelia.

“Ophelia, wala na ang iyong ama,” paglalahad ni Camilo.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Ophelia.

“Napaslang ang iyong ama habang pauwi siya ng Malolos, kagabi, habang tayo ay kinakasal. Tinambangan siya ng mga katipunero. Sinaksak siya sa tagiliran ng isang Lucas Magsino. Marahil ay kilala mo siya,” ani Camilo, na nakangiti pa din. Napatindi ang kapit ni Ophelia sa kaniyang dibdib. Wala na ang kaniyang ama. Kung nangyari lamang ito kahapon, o sa lumipas na mga araw, marahil siya ay magsasaya. Kung tutuusin, dapat maging ngayon ay masaya siya. Wala na ang demonyo, siya ay malaya na kahit hindi pa siya magpakalayo. Ngunit kahulugan lamang nito na ang ginawa niya kay Sining ay walang kabuluhan. Hindi niya kinailangang ipagkanulo ang dalaga para lamang sa inaasam na kalayaan.

Isang hikbi ng pagtangis ang ang lumabas mula sa lalamunan ni Ophelia. Si Sining ay nawala sa kaniya para lamang sa wala. Ang masahol pa nito, lumaya siya sa unang demonyo upang masukol lamang ng panibago.

“Wala na siya, Ophelia, hindi ka na niya mahahawakan pang muli sa daigdig na ito,” nagbago ang tono ng boses ni Camilo mula sa panunuya, patungo sa pag-alo. Hinawakan ng lalaki ang balikat ni Ophelia.

“Lumayo ka sa akin. Wala na nga ang aking ama, at malaya na ako, ngunit sa balak mong gawin, tila hindi mo rin ibinigay sa akin ang aking kalayaan,” sagot ni Ophelia.

“Ophelia, hindi naman ganoon kasama ang binabalak ko.” Panimula ni Camilo. Lumuhod siya sa harap ng asawa sa tabi ng kama at kinuha ang mga kamay ito. Tila wala nang lakas si Ophelia upang ilayong muli ang kaniyang mga kamay. “Magkakaroon ka din ng bagong buhay na malayo dito, katulad ng iyong inaasam. Doon pa sa España, kung saan ka ipinanganak. Magiging tanyag ako doon, bilang bayani ng himagsikan dito sa kolonya, hindi nila alam, ang magiging digmaan ay sarswela lamang. Ako ay magiging isang ganap na Don at ikaw naman ay Doña. Iimbitahan tayo sa maraming salu-salo, at doon, gugustuhin ng mga Don at Doña na pakinggang ang ating mga kwento tungkol sa buhay sa Islas. Tayo ay magiging tanyag. At ikaw, maipagpapatuloy mo ang iyong pagpipinta sa isang bansang higit na makakaunawa at makaiintindi dito. Higit na mainam na buhay ang handog ko sa iyo, Ophelia,” paliwanag ni Camilo.

“Kahit kailan ay hindi na ako maaaring magkaroon ng mainam na buhay, lalo pa at alam ko kung ano ang ginawa ko kay Sining! Para lamang sa wala!” tatayo na sana si Ophelia, ngunit hinawakan siya ni Camilo ng mahigpit sa balikat.

“Hindi mo ako tatalikuran kapag kinakausap pa kita. Asawa mo ako kaya’t kung nasaan ako ay nandoon ka din! Ako ang lalaki kaya ako ang masusunod,” ani Camilo na nagdilim ang paningin.

“Hindi mo ako madadala sa España, kahit kaladkarin pa ako doon ng mababangis na kabayo!” sagot ni Ophelia. Ginawaran siya ni Camilo ng isang malakas na sampal sa bibig at napahiga si Ophelia, kalong-kalong ang dumudugo na labi. Sa sobrang sakit, hindi na niya napigilan ang pagluha.

“Hindi ka makakaladkad ng mababangis na kabayo? Paano kung kamay ng isang sanggol na galing sa iyong sinapupunan?” ani Camilo. Hinila niya ang buhok ni Ophelia at kinaladkad ito patungo sa gitna ng kama. Sa lakas ng naunang sampal ay hindi na ito nakalaban. Ibinaba ni Camilo ang pantalon. Akmang tatayo si Ophelia ngunit muli itong sinampal nang malakas ni Camilo. Muling bumalik si Camilo sa kama na wala nang pantalon. Pinatungan niya ang asawa, isang hita sa magkabila ng kaniyang balakang.

“Huwag! Huwag!” pakiusap ni Ophelia na umaagos na ang luha. Sinubukan niyang maglaban at pagsususuntukin ang dibdib ni Camilo, ngunit hinawakan lamang nito ang kaniyang mga kamay. Itinali na ang kanang kamay ni Ophelia sa poste ng kama gamit ang sinturon at ang kaliwa naman gamit ang punda ng unan.

“Hindi ko ito gustong gawin, ikaw ang nagtulak sa akin dito. Kung hindi mo sana ako pinahihirapan, isa naman akong maginoo. Ngunit alam ko, hindi mo magagawang ilayo ang iyong anak sa kaniyang ama,” sagot ni Camilo. “Uuwi tayo sa España, doon mo isisilang ang ating magiging anak.”

“Hayop! Demonyo!” sigaw ni Ophelia, at nang paubos na ang boses “Sining..Sining..”

“Magsisigaw ka, walang makaririnig sa iyo. Nakatulog na lahat ng tao sa ibaba, baka nakalilimutan mo, pinagtangkaan tayong lasunin ng babae mo na iyan!  At kung sakali mang magising siya ng iyong mga sigaw, hindi ka niya mapupuntahan sapagkat nasa likod siya ng rehas na bakal. Iyon ay kung gugustuhin ka niyang puntahan. Tandaan mo, ikaw ang nagdala sa kaniya sa kulungang iyon. Ako ang iyong pinili,” sagot ni Camilo. Nagsimula siyang ipasok ang pagkalalaki sa loob ni Ophelia. Napaluha ang kaniyang asawa sa sakit.

“Hindi ikaw ang pinili ko. Pinili ko ang kalayaan,” sagot ni Ophelia. “Pakiusap, huwag mo itong gawin.”

“Tanggapin mo na ang iyong kapalaran, Ophelia. Ano ba ang mayroon kay Sining na hindi ko kayang ibigay sayo? Mayroon ba siya nito?” sabay pasok ni Camilo ng kaniyang pagkalalagi sa pagitan ng mga hita ni Ophelia.

Nagpatuloy sa pagsigaw si Ophelia, ngunit sinampal lamang siyang muli ni Camilo, at nagpatuloy sa paggalaw sa ibabaw nito. Tumagal ang gayon ng may sampung minuto, at halos mapaos na si Ophelia sa kasisigaw ng pangalan ni Sining. Naramdaman niyang pumutok ang mainit na binhi sa loob niya, at muling umagos ang mainit na luha sa kaniyang mga pisngi.

_______________________________________

Nagising si Sining sa amoy ng usok. Ang huli niyang naalala ay ang paghagupit ng kamao ni Camilo sa kanan niyang mata bago magdilim ang kaniyang paningin. Sa totoo lamang, hindi niya inakalang iyon lamang ang aabutin niya sa kapitan. Akala ni Sining ay katapusan na ng kaniyang buhay, ngunit ang tanging ginawa lamang ng kapitan ay ang kutyain at hamakin siya. Maliban sa nag-iisang suntok na iyon, hindi siya ginalaw nito.

‘Marahil ay babalik pa siya,’ sapantaha ni Sining.

Ni hindi nga siya tinali ni Camilo. Tumayo si Sining at malayang nakagalaw sa loob ng kaniyang rehas. Sa labas nito, nakita niya ang mga bisita ng salu-salo, ang mga gwardya sibil na nagbunyi sa kaniyang pagkakadakip, at ang mga mamamahayag na namyesta sa mga panayam kay Camilo. Lahat ng mga ito ay nangakatulog na. Nangiti si Sining, gumana ang kaniyang pampatulog na nilagay sa tapayan ng alak.

Ngunit wala ang kapitan sa eksena nang hanapin ito ni Sining. Muling naubo ang dalaga sa amoy ng usok at nanlaki ang kaniyang mga mata.

‘Nagsimula na sina Lucas na sunugin ang bahay kagaya ng aming plinano! Marahil ay nasa kanila na si Ophelia ngayon. Ngunit hindi nila alam na bihag ako sa ilalim ng mansyon!’

‘Si Ophelia, ang putang iyon, makakatikim siya sa akin kapag ako ay nakatakas dito!’

Inalog ni Sining ang rehas ngunit sadyang matibay ito, at wala siyang paraan upang makalabas kung wala siyang susi. Hinanap ni Sining ang guwardyang nagkandado ng kaniyang selda at agad niya itong nakita. Nakita rin niyang nakasilip mula sa bulsa nito ang isang kalawanging susi. Ngunit hindi abot ng dalaga ng kaniyang kamay ang bulsa ng guwardya.

Nagmasid si Sining sa loob ng selda upang maghanap ng maaaring gamitin upang mahablot ang susi. Nakita niya ang lubid na nakasabit sa pader na maaaring ginagamit upang igapos ang mga bihag. Gumawa ang dalaga nang pabilog na kasya ang ulo ng tao, at sinubukang ipalibot iyon sa ulo ng nahimbing na gwardya. Nagtagumpay siya sa ika-apat na pagkakataon.

Gamit ang buong lakas, hinila ni Sining ang gwardya patungo sa kaniya. Wala nang pakialam ang dalaga kung masakal man niya at mapatay ito. Hindi siya maaaring maiwan sa ilalim ng mansyon habang nasusunog ito. Dali-daling inabot ni Sining ang susi at ipinasok sa kandado sa may sahig. Inalis niya ang tanikalang bakal at binuhat pataas ang rehas.

Nang makatakas, tinakpan ni Sining ang kaniyang ilong at bibig at binuksan ang pintuan ng silid. Pag akyat sa taas, nakita ng dalaga na nagsisimula nang lamunin ng apoy ang sala ng bahay. Hinanap niya ang pinto palabas sa kalagitnaan ng usok at tumakbo patungo dito. Halos makarating na siya ng marinig ang kaniyang pangalan na isinisigaw ng tinig ng isang babaeng nagmumula sa silid ng tiyahin ni Camilo de Guzman.

Natigilan ang dalaga at napatingin sa direksyon ng sigaw. Bukod sa tinig ni Ophelia, narinig din niya ang boses ng kapitan na pinapatigil ito. Tuloy pa rin ang kaniyang amo sa pagsigaw sa kaniyang pangalan.

‘Bakit susunugin nina Lucas ang mansiyon kung nasa loob pa si Pili? Ang usapan ay dadakpin si Pili pagkatapos ay susunugin ang bahay kasama ng kung sino man ang nasa loob nito.’ Iniwasan ni Sining ang nahuhulog na kahoy mula sa nasusunog na kisame.

‘Walang balak si Lucas buhayin si Pili. Marahil ay binago nila ang plano ng hindi ko nalalaman. Kung gayon, hindi ko dapat sirain ang panibagong plano na iyon.’ sapantaha ni Sining. Nagsimula siyang muling maglakad patungo sa pintuan, ngunit narinig niyang muling tinawag ni Ophelia ang kaniyang pangalan.

“Walang-hiya ka, Sining, ipinagkanulo ka ng babaeng iyan!” pinagalitan ng dalaga ang sarili habang siya ay tumakbo pataas, patungo sa silid ng tiyahin ni Camilo de Guzman.

_________________________________________________

Bumagsak si Camilo sa ibabaw ni Ophelia, pagod. Sinubukan ng kapitan na halikan sa labi ang kaniyang asawa ngunit iniwas nito ang kaniyang mukha.

“Alam kong ginusto mo din iyon, mahal ko,” ani Camilo. Hinimas niya ang mukha ni Ophelia at binunot ang sarili mula sa loob nito.

“Hindi mo ba masabi kapag ayaw sa iyo ng babae?” sabi ng tinig sa likod ni Camilo.

Napalingon ang mag-asawa sa direksyon ng pintuan. Nandoon at nakatayo si Sining, may pasa sa kanang mata. Tumakbo si Sining patungo sa direksyon ni Camilo, hinawakan ang kapitan sa balikat, at inalis ito sa ibabaw ng kaniyang amo. Natumba si Camilo sa sahig.

Inilagay ni Ophelia ang kamay sa likod ng balikat ng kaniyang lingkod.

“Sining, patawad..,” panimula nito.

“Saka ka na magpaliwanag. Kailangan na nating umalis, kung hindi ay mamatay tayo dito,” sagot ni Sining, tinulungan niyang tumayo si Ophelia, ngunit muli nang nakabangon si Camilo. Hinawakan niya sa balikat si Sining at ibinato ito sa may pader. Dumagsa siya sa tabi ni Sining at sinakal ito.

“Tatakas ka? Tatakas ka? Matapos ng ginawa sa aking pamilya ng iyong ama! Matapos ang matagal kong pagbabalak at paghahanda sa araw na ito? Sa tingin mo ay papayag ako? Hangal! Mabuti pa’t mamatay ka na ngayon!” ani Camilo na nanlilisik ang mga mata.

Lumapit si Ophelia upang tulungan si Sining nungit hinampas siya ni Camilo sa may tiyan kaya’t natumba rin ito. Tuloy pa rin ang kapitan sa pagsakal kay Sining, at halos magdilim na ang paningin ng dalaga nang maamoy ni Camilo ang usok na nanggagaling sa ibaba.

“Ano iyon?” ani Camilo.

“Nasusunog, nasusunog ang mansiyon,” sagot ni Sining.

Tumayo si Camilo at hinablot ang pantalon na nasa sahig. Dali-daling tumakbo ang kapitan patungo sa pinto at tiningnan ang eksena sa baba. Unti unti nang nilalamon ng apoy ang sala, nangalusaw na ang pintura sa mga larawan, at nahuhulog na rin ang kisame. Tinakpan ng kapitan ang kaniyang ilong, ilang sandali pa, imposible na para sa kaniya ang lumabas. Tumingin siya sa dalawang babae sa sahig habang isinusuot ang pantalon.

“Magkita na lamang tayo sa impyerno, anak ni Sobre Rojo,” ngiti ni Camilo. Sabay takbo pababa.

Nilapitan ni Sining si Ophelia nang makitang naglaho na si Camilo.

“Pili, halika na, kailangan na nating tumakas dito,” ani Sining. Nagsisimula nang mapuno ng usok ang silid. Ngunit wala nang lakas upang tumayo pa si Ophelia.

“Hindi mo ba kaya ang tumayo?” ani Sining, ngunit hindi na sumagot si Ophelia. Napilitan ang dalaga na buhatin ang kaniyang amo sa balikat. Dahan-dahang binagtas ni Sining ang hagdan pababa. Nakita niyang wala na si Camilo, ngunit nasarahan na ang pinto palabas ng bahay. Malapit na ring bumagsak ang buong kisame, at ang buong ikalawang palapag kasama nito. Nahahapo na si Sining dulot ng bigat ng katawan sa kaniyang balikat, at nagdidilim na rin ang kaniyang paningin sa dami ng usok na nalanghap. Lumingap lingap si Sining sa paghahanap ng daan palabas, habang nunukal ang pawis sa kaniyang noo dala ng init ng dumidilang apoy.

Naalala ng dalaga ang daan sa likod ng bahay sa may kusina, at gamit ang buong lakas at pag-iingat, binagtas niya ang daan patungo rito habang umiiwas sa mga nangalaglag na kahoy. Halos mawala na ang hininga sa kaniyang dibdib ng marating ang kusina. Nakita niya ang mga gulay, ang mga panggisa na kapwa naaabo na. At sa dulo nito, ang pintuan patungo sa liwanag.

Inikot ni Sining ang nagbabagang kandado ng pinto. Halos nalapnos ang kaniyang balat ngunit hindi ito ininda ng dalaga. Nakalabas na rin siya sa wakas, buhat buhat ang walang malay na katawan ng kaniyang amo. May ilang mabibigat na hakbang palayo ng nasusunog na mansiyon ang tiniis ni Sining, bago siya tuluyan bumagsak sa pagod, at si Ophelia, kasama niya.

Sa labas ng mansyon, nagsisimula nang pumutok ang bukang liwayway.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s