Sobre Rojo (Episode 14): Ang Magkasintahan sa Kabilang Bahagi ng Daigdig

Standard

This is an adaptation of Fingersmith by Sarah Waters.

This is the longest chapter thus far. Also, this episode contains sexy time, which might not be suitable for immature people regardless of age.

The next episode would be next Sunday, which would be from Ophelia’s point-of-view.

Please feel free to leave your comments, enjoy reading!

Geri

Episodes are compiled in the Shows tab.

Alas kwatro na ng hapon at ngalay na ngalay na si Sining sa ibabaw ng kama ni Ophelia nang matapos ng kaniyang amo ang kaniyang larawan. Naging metikuloso si Ophelia sa pagguhit ng katawan ni Sining. Ang bawat pagkakamali ay hindi pinatatawad ng pambura, ang bawat linyang paliwak ay agad na itinatama. Walang pinunasan ang dalaga sa mga butil ng pawis na namuo sa kaniyang noo at tuluyang tumulo sa kaniyang pisngi.

“Tapos na,” deklara ni Ophelia. “Nais mo bang makita?”

Ngumiti si Sining ngunit hindi agad nakatayo sapagkat nagtagal ng ilang oras sa iisang posisyon. Nilapitan siya ng kaniyang amo na iniabot ang kamay upang siya ay tulungan. Nang ganap na makaupo, agad na pinunasan ni Sining ang pawis sa noo ni Ophelia gamit ang kaniyang kamay. Iniwas ni Ophelia ang kaniyang ulo.

“Itago mo na ang aking larawan at baka may makakita pa,” ani Sining. “Para sa’yo iyan, hindi ko na kailangang makita pa.”

“Kung gayon ay magbihis ka na, dalawang oras na lamang ay darating na ang ating hapunan,” sagot ni Ophelia.

“Doon na ako magbibihis sa aking silid, isusuot ko na ba ang bestidang nais mong ipasuot sa akin?,” tanong ni Sining.

“Oo,” sagot ni Ophelia.

Tumalikod sa kaniya ang amo habang kinukuha niya ang damit mula sa aparador. Wala nang sinabi pa ang dalaga at dumiretso na sa kaniyang silid upang magbihis.

Habang nasa kabilang silid ang kaniyang lingkod ay tiniklop ni Ophelia ang papel na kaniyang pinagguhitan ng larawan ni Sining at inilagay ito sa bulsa ng kaniyang palda. Pinulot niya ang kabilang bahagi ng nabiyak na lapis, at kasama ng ginamit niya upang iguhit si Sining, ay itinabi niya sa kaniyang aparador. Inamoy ni Ophelia ang kabuuan ng kaniyang silid, sapagkat ito na ang huling pagkakataong makikita niya ito. Tinitigan niya ang bawat kanto ng silid, at nakita niya ang ala-ala ng kaniyang ina noong siya ay bata pa at kung minsan ay tatabihan siya nito sa pagtulog sa tuwing kumukulog. Narinig niya sa kaniyang ala-ala ang halakhak ng isang batang tumatakbo, umiiwas sa paligo dahil sa takot sa tubig. Inalala ni Ophelia ang mga bagay na pawang masasaya sa silid na iyon, mga bagay na naganap bago mamatay ang kaniyang ina, at ng dumating si Sining. Pinagmasdan ng dalaga ang buong kalaparan ng kaniyang silid, at kinabisa ang bawat bahagi nito. Umikot si Ophelia upang walang sulok na makaligtaan, at sa kaniyang paglingon, nakita niya ang pinakamagandang bahagi ng kaniyang silid na kapapasok lamang mula sa pintuang lagusan.

Tumapak si Sining sa silid ni Ophelia na suot ang pinakamagandang bestida ng amo. Napanganga ang dalaga habang inaayos ng lingkod ang sariling buhok. Dali dali siyang pumunta sa kaniyang tukador upang kunin ang paynetang regalo sa kaniya ng kaniyang ina kung saan dekorasyon ang unang titik ng kaniyang pangalan.

“Ito ang bagay diyan, ito ang isuot mo,” ani Ophelia. At isinuot nga niya ang payneta sa buhok ni Sining.

“Mayroon din ako niyan,” ani Sining. Binunot niya mula sa kaniyang bulsa ang paynetang bigay sa kaniya ng kaniyang Tiyo Gani na kaparehong-kapareho ng kay Ophelia, maliban sa titik “Z” na nakaukit dito. Ayon sa kaniyang tiyuhin ay kay Sobre Rojo pa mismo, ang kaniyang tunay na ama, ito nanggaling, ngunit nakamatayan na lamang at hindi na naibigay kay Sining.

“Kaparehong kapareho ng akin,” laking gulat ni Ophelia. Iniayos ni Sining ang payneta sa ulo ng kaniyang amo.

“Galing iyan sa aking ama,” ani Sining.

Nagkatitigan ang dalawa ngunit agad na binali ni Ophelia ang tensiyon.

“Mabuti pa, Sining, sa silid mo na lamang ikaw maghintay. Siguraduhin mo munang kumpleto ang naimpake mong gamit mo. Tatawagin na lamang kita kapag dinala na dito ang hapunan. Hindi ka nila maaaring makitang ganiyan ang suot,” ani Ophelia.

“Tama ka, sige, lilipat na muna ako sa kabila ngunit katukin mo ako dahil baka makaidlip ako,” ani Sining.

“Sige, magpahinga ka na muna, mahaba pa ang gabi nating dalawa,” ani Ophelia. Tinanguan siya ni Sining at pumunta na ito sa sarili niyang silid.

Ganap na alas sais ng gabi nang dinala ni Hermana Amparo ang hapunan ng dalawa. Hinanap ng matanda si Sining at pinagtakpan na lamang ni Ophelia na may hinahanap lamang ito sa banyo. Ngumiti ang matanda at umalis.

Kinatok ni Ophelia ang silid ng kaniyang lingkod. Bumukas ang pintuan at lumitaw ang ulo ni Sining. Pinagmasdan ng lingkod ng mabuti ang silid ng amo at nang makitang silang dalawa lamang ang tao doon ay binuksan pa nang mas malaki ang pintuan ng sariling silid.

“Nandiyan na ang hapunan, halika na, Sining,” paanyaya ni Ophelia. Lumabas si Sining mula sa kaniyang Silid at lumapit sa lamesita sa tabi ng bintana. Manipis ang bagong buwan na nakasabit sa itim na kumot ng gabi sa tapat ng kanilang bintana, at naisip ni Sining na perpekto iyon para sa plano nilang pagtakas. Naupo na si Ophelia at ipinaghain ang sarili ng ulam na pochero.

“Naisip ko lamang, Sining,” panimula ni Ophelia habang nauupo ang lingkod. “Dahil huling hapunan na natin ito sa silid na ito, maaari ba tayong kumain bilang magkaibigan?”

“Ikaw lamang naman ang nagsusungit, Pili,” sagot ni Sining, ngunit ngumiti ito. Ipinaghain niya ang sarili ng kanin.

Natawa si Ophelia. “Pili, gusto ko lang na malaman mo, kahit na ano pa mang mangyari, ginawa at gagawin ko ang lahat upang protektahan ka sa abot ng aking makakaya,”

Inisip ni Sining na tungkol ito sa pananatili niya sa trabaho bilang lingkod ni Ophelia.

“Ganoon din ako, Pili,” sagot ni Sining. Nanatili ang katahimikan ng ilang minuto habang kumakain ang dalawa, at si Sining ang bumasag nito.

“Tamang tama ang buwan, Pili, madali tayong makapagtatago sa dilim. Isa pa, dahil sa nipis ng buwan, kitang kita natin ang mga bituin habang tayo ay kumakain,” ani Sining.

“Alam mo ba, noong ako ay nasa Madrid pa, maraming mga kainan na naglalagay ng mesa at upuan sa labas. Kapag gabi na, marami kang magkasintahan makikitang kumakain sa labas, sa ilalim ng buwan at mga bituin, nagkakape, naninigarilyo, magkahawak kamay..,” paglalahad ni Ophelia matapos higupin ang tsaa.

“Kung gayon ay nasubukan mo na ba iyon? Ang kumain sa labas sa ilalim ng mga bituin?,” tanong ni Sining.

“Hindi pa, ngunit ang bahay ng kapatid ng aking ama na tinirhan ko sa Madrid ay nasa tabi ng kalsada, kung saan marami ang ganoong kainan, at naaalala ko ang maraming gabi na pinanonood ko ang mga magkakasintahan mula sa bintana ng aking silid. Labin-limang taong gulang lamang ako noon at pinapangarap ko pa na magawa ko din iyon balang araw kasama ng aking kasintahan,” kuwento ni Ophelia.

“Sa probinsya, madalas namin gawin ang kumain sa labas kapag gabi tuwing may kasiyahan, lalo na matapos ang ani,” ani Sining.

“Nakita mo, Sining? Iisa lamang ang pareho sa ating mga kwento. Ang mga taong iyon, kayo, ay masaya, at ako ay nakatanaw lamang mula sa malayo,” ani Ophelia. Hindi malaman ni Sining ang kaniyang isasagot. Tatlong araw ang nakararaan ay hahawakan na lamang niya ang kamay ni Ophelia na nakapatong sa la mesa upang ibsan ang kalungkutan ng dalaga. Ngunit marami na ang nagbago, at mamaya lamang, si Ophelia ay magiging ganap na maybahay na. Nagkasya na lamang si Sining sa pagpatong ng kaniyang mga kamay sa sariling hita.

“Isipin mo, Sining, sa kabilang bahagi ng daigdig, sa Madrid, mayroong magkasintahan ang kumakain din sa ilalim ng parehong buwan at mga bituin. Hindi natin kasabay, sapagkat umaga ngayon doon, ngunit hindi mahalaga ang oras, ang mahalaga ay magkasama sila. Mga bata pa lamang ay magkaibigan na ang dalawa kaya’t lumaki sila ng sabay. Nagtungo sila sa parehong unibersidad, at nang mahulog para sa isa’t isa, walang hirap na naipakilala nila ang kanilang kasintahan sa mga magulang sapagkat matagal nang magkakakilala ang mga ito. Ngayon ay nakaupo sila sa isang la mesa sa labas ng paborito nilang cafe, humihigop ng paborito nilang tsaa, at pinag-uusapan ang kinabukasang tila matagal nang naisulat. Ang magiging pangalan ng kanilang anim na anak sa pamilyang bubuuin, ang bahay na kanilang titirahan, kung kailan at saan sila magreretiro. Walang pag-aalinlangan, lahat ng tungkol sa kanila ay panigurado na. Magsasama sila ng masaya habang buhay. At heto tayo, Sining. Hindi makatarungan. Kumakain tayo sa ilalim ng iisang buwan,” ani Ophelia. Nagningning ang abuhing mga mata ng dalaga at tumingin ito sa buwan habang bumubuntong hininga.

“Ophelia, kung totoo man na may magkasintahang ganoon sa kabilang bahagi ng daigdig, isipin mong kumakain sila sa ilalim ng mga bituin. Pinag-uusapan tayo, at sila ay naiinggit. Naiinggit dahil alam na nila kung ano ang mangyayari sa kanilang buhay, na para bang isinulat ang lahat at wala silang ginawa. At iniisip nila tayo at nakikita nila kung gaano kawalang-kasiguraduhan ang ating kinabukasan, at kung paanong kaya pa nating paikutin ito sa ating mga kamay,” sagot ni Sining. Agad na napatingin sa kaniya si Ophelia mula sa tinititigan sa labas.

“Sa tingin mo ay totoo iyon, Sining? Hawak natin ang ating kapalaran?,” tanong ni Ophelia.

“Oo. Nakadepende na lamang ang lahat sa kung ano ang mas pinahahalagahan natin, kung ano ang pipiliin natin,” sagot ni Sining.

“Kung gayon ay maiinggit nga ako sa atin, kung ako ang isa sa magkasintahan sa Madrid,” ani Ophelia. Hindi na muling nagsalita ang dalaga at tinapos nila ang pagkain ng hapunan sa katahimikan. Pawang may natirang pagkain sa plato ng dalawa sapagkat wala ni isa sa kanilang mga tiyan ang gumagana ng maayos dahil sa kaba. Sa wakas, matapos ang ilang minuto ng hintayan, tinanguan ni Ophelia ang lingkod.

“Sandali lamang, ilalabas ko ang ating mga gamit,” ani Sining. Tumayo ang dalaga at nagtungo sa kaniyang silid at lumabas naman si Ophelia upang silipin ang mga utusan na nagdarasal sa may sala. Binilang ng dalaga kung ilan ang naroon, anim, kumpleto ang lahat at nagdarasal. Walang makakakita sa kanila.

Dinala ni Sining ang kaniyang tampipi sa gitna ng silid ni Ophelia, at inilabas naman niya ang sisidlan ng dalagang gawa sa balat ng baka mula sa pinagtataguan nito sa ilalim ng kama.

“Kumpleto ang lahat sa baba at nagdarasal,” ani Ophelia.

“Magaling,” sagot ni Sining. Nilabas niya ang isang lubid na ipinuslit niya mula sa kwadra ng mga kabayo mula sa kaniyang tampipi. Nakadikit ang kama ni Ophelia sa sahig gamit ang malalaking turnilyo kaya alam niyang hindi ito gagalaw. Itinali ng dalaga ang isang dulo ng lubid sa post at hinagis naman ang kabila sa bintana patungo sa bakuran.

“Gaya nang naplano, mauuna ako, ihulog mo sa akin ang ating mga gamit, pagkatapos ay mahuli ka,” pagpapaalala ni Sining kay Ophelia. Tumango ang kaniyang amo.

Nang masiguro ni Sining na matibay ang pagkakatali ng lubid ay inakyat ni Sining nang walang kahirap hirap ang bintana.

“Mag-iingat ka,” ani Ophelia. Ginawaran ni Sining ng isang saludo ang kaniyang amo bago tuluyang naglaho. Ilang segundo lamang ang lumipas ay nasa bakuran na ito, at nagmumuwestra kay Ophelia na ihulog na ang kanilang mga gamit. Binalot ni Sining sa kaniyang mga damit ang bote ng pampatulog kaya’t sigurado siyang hindi ito mababasag kahit pa hindi niya ito masalo.

Inuna ni Ophelia na ihulog ang kaniyang sisidlan. Nasalo ito ni Sining at ibinaba sa kaniyang paanan. Sinunod niya ang tampipi ni Sining na nasalo din ng dalaga. Gaya ni Sining, inakyat din ni Ophelia ang bintana, datapwat mas mabagal. Ngunit hindi nahirapan ang dalaga sapagkat maghapon nila itong sinanay ni Sining. Sinulyapan ni Ophelia ang kaniyang silid sa huling pagkakataon, bago tuluyang bumaba ng pader gamit ang lubid.

Naroon si Sining upang saluhin ang dalaga nang sumabit ang paa nito sa isang baging na gumapang sa pader. Agad na binalot ni Sining ang beywang ng dalaga gamit ang kanang bisig, samantalang ginamit naman niya ang kaliwang kamay upang takpan ang bibig ng amo sakaling lumikha ito ng ingay dahil sa pagkakahulog.

Tila noong isang araw lamang nang huli niyang mahawakan ng ganito kalapit si Ophelia, ngunit tila ba napakalayo na ng araw na iyon. Sa kaunting panahon ay kinailangan nilang magbago, at kung ano man ang nararamdaman niya para sa kaniyang amo ay kailangan na niyang ibaon sa limot. Huli na ang lahat. Trinaydor na niya si Ophelia. Ang magagawa na lamang niya sa ano mang latak ng damdamin na mayroon siya para sa amo ay ang protektahan ito at siguraduhin hindi siya masasaktan.

Agad na tinanggal ni Ophelia ang kamay ni Sining mula sa kaniyang labi at kumalas mula sa pagkakayakap nito. “Salamat.”

“Walang anuman,” sagot ni Sining. “Halika na.”

Binuhat ni Sining ang kanilang mga gamit sa magkabilang kamay at tumungo sila sa bakod na gawa sa bakal malapit sa puno ng acacia. Isinabit ng dalaga ang kanilang mga gamit sa isang sanga at inakyat ng dalaga ang puno. Nang makarating sa taas, kinuha niyang muli ang mga gamit at hinulog sa kabila ng bakuran.

Iniabot ni Sining ang kaniyang kamay sa amo ngunit nagsimula na itong umakyat sa kaniyang sarili. Tuluyan na ngang inakyat ni Sining ang puno lagpas sa taas ng bakod at tumalon siya patungo sa kalsada sa kabila. Mabuti na lamang at madamo ang lupa sa gilid ng kalsada kaya’t hindi gaanong nasaktan ang dalaga. Tumalon na rin si Ophelia mula sa puno at pinagpagan ang sarili. Gayon din ang ginawa ni Sining. Nagngitian ang dalawa, ngunit higit na malaki ang ngiti ni Ophelia nang makita niyang nakatakas na siya sa bahay na nagsilbi niyang piitan.

“Sining, iba pala ang pakiramdam kapag umalis ka sa isang lugar at alam mong hindi ka na babalik kailanman,” ani Ophelia. Ngiti lamang ang isinagot ni Sining. Kumuha ang dalaga ng dalawang balabal sa ulo mula sa kaniyang tampipi at ibinigay ang isa kay Ophelia. Muli niyang binuhat ang kanilang mga gamit at nagsimula ang dalawang maglakad patungo sa paanan ng tulay. Isinuot ni Ophelia ang belo, ngunit kakaunti lamang ang taong kanilang nakasalubong at wala halos makakakita sa kaniya sapagkat malalim ang gabi. Sa paanan ng tulay, tulad nang inaasahan, naroon na’t naghihintay ang itim na karo ni Camilo de Guzman.

“Magandang gabi, mga binibini,” bati sa kanila ng binata na dumungaw mula sa bintana ng karo. Bumaba ang kapitan at minuwestra sa kaniyang kutsero na isakay ang gamit ng dalawa. Kinuha ni Camilo ang kanang kamay ng mapapangasawa at ito’y hinalikan. Binaling naman ni Sining ang kaniyang tingin sa kutsero habang kinukuha nito ang mga gamit mula sa kaniya, ngunit sa loob ng tiyan ni Sining, naramdaman niya ang kakaibang kirot ng pagseselos. Pinagbuksan ni Camilo ng pintuan si Ophelia, at naupo na ang dalaga sa loob ng karo. Susunod na sana si Sining ngunit isinara ni Camilo ang pintuan sa kaniyang mukha.

“Ophelia, may pag-uusapan lamang kami ng iyong lingkod, maaari ba?,” ani Camilo. Tumango si Ophelia at tumingin sa labas, sa direksyon ng mansyon. Dinala ng kapitad si Sining ilang hakbang palayo sa karo, kung saan hindi sila maririnig ng dalagang nakasakay dito.

“Sining, magaling ang iyong ginawa, napakatigas ng iyong amo ngunit nakumbinsi mo siyang magpakasal sa akin, at naitanan ko pa,” ani Camilo.

“Ginagawa ko lamang po ang bahagi ko sa ating kasunduan,” sagot ni Sining.

“Kung gayon ay gagawin ko din ang akin. Pagkatapos ng kasal at pagdating sa bahay ay babayaran kita ng napag-usapan nating halaga. Dadagdagan ko pa dahil wala naman sa orihinal na balak ko ang itanan si Ophelia. Matapos ng mamayang gabi ay hindi na kakailanganin ni Ophelia ang serbisyo mo. Gusto kong umalis ka na bukas ng umaga, pagkatapos ng salu-salo at kasiyahan sa bahay ng aking tiyahin. Ayaw kong magpakita ka pa ulit kay Ophelia,” ani Camilo.

“Ngunit bakit?,” tanong ni Sining.

“Dahil hanggang nandiyan ka, magsisilbi kang hadlang upang mapalapit kami sa isa’t isa ng aking mapapangasawa. Nagawa mong maging pinakamatalik niyang kaibigan, ngunit magsisimula na iyong maging hadlang, kaya’t hindi ka na magpapakita, nagkakaintindihan ba tayo?,” ani Camilo. Tumango si Sining.

“Halika na, hindi tayo maaaring magtagal dito sapagkat baka may maghinala,” ani Camilo. At naglakad ang dalawa pabalik ng karo. Pinagbuksan ni Sining ng pinto ang sarili sapagkat hinding hindi pagbubuksan ni Camilo de Guzman ng pintuan ang isang indio. Naupo ang dalaga sa tabi ni Ophelia na nanatiling nakatingin sa direksyon ng mansyon. Si Camilo naman ay naupo kaharap ng dalawa.

“Magpaalam na kayong dalawa, hindi na tayo babalik dito,” ani Camilo. Nagsimulang tumulak palayo ang karo at napakapit si Ophelia sa kamay ni Sining. Alam ni Sining na hindi iyon dala ng takot; matapang si Ophelia. Hindi rin iyon paghahanap ng kadamay; buhat nang mamatay ang kaniyang ina, natuto si Ophelia na mabuhay sa sarili niyang daigdig. Hinawakan ni Ophelia ang kamay ni Sining sa simpleng kadahilanang kay Sining ang kamay na iyon.

Inalis na ni Ophelia ang kaniyang tingin sa mansiyon at itinuon ang pansin sa mga sapatos, ngunit hindi niya tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ni Sining, bagkus, lalo pa itong humigpit. Napansin ito ni Camilo ngunit inisip na lamang niyang kinakabahan ang kaniyang mapapangasawa. Naglabas ang binata ng isang sigarilyo mula sa bulsa ng kaniyang kamiseta, at sinindihan ito gamit ang isang posporo. Binugaw ni Ophelia ang binuga niyang usok kaya naman nagbukas na lamang ng bintana si Camilo at sa labas pinausok ang sigarilyo.

Matapos ang dalawampung minuto ay nakarating na sila sa Calumpit. Tumigil ang karo sa harap ng isang madilim na kapilya. Sinulyapan ni Sining ang orasan na nasa kadenang nakakabit sa pantalon ni Camilo. Alas siete na ng gabi. Isang oras na lamang, malalaman na sa mansyon na nawawala silang dalawa.

“Mabilis na mabilis lamang ang kasal na ito, halika na,” ani Camilo, sabay hila sa kamay ni Ophelia, ang kamay na nakahawak kay Sining. Binuksan ng kapitan ang pintuan ng karo at minadali sa pagbaba ang kaniyang mapapangasawa. Lumabas ang pari mula sa loob ng kapilya na nakasuot ng kaniyang abito. Binati niya si Camilo, at bilang ganti, inabutan siya ng kapitan ng isang maliit na sako na kulay tsokolate. Tinimbang ng pari ang sako sa kaniyang kamay, at nang mapagdesisyunang husto na, minuwestra sa kanilang pumasok na sa simbahan.

“Napaaga tayo, ngunit ayos lamang sa paring ito dahil siya ay kaibigan ko,” bulong ni Camilo kay Ophelia. Hinawakan ng kapitan ng mahigpit ang dalaga sa kaniyang braso at halos kaladkarin ito patungo sa altar. Sinubukan ni Sining na habulin ang dalawa habang iniiwasan ang tuluyang pagtakbo, ngunit nang makarating siya sa pintuan ng simbahan, naroon na si Camilo, Ophelia at ang kutsero na naghihintay sa kaniya sa altar. Minuwestra ng kapitan na bilisan niya ang paglakad at ganoon nga ang ginawa ni Sining. Sa buong paglalakad niya mula pintuan ng kapilya hanggang sa altar ay nakatuon ang mga abuhing mata ni Ophelia sa kaniya. Pag dating ng altar ay tinabihan ni Sining ang kaniyang amo bilang kaniyang saksi sa pag-iisang dibdib.

Nagsimula na ang pari na bigkasin ang mga salita ng pagkakasal. Napansin ni Sining kung paanong nanguyakoy ng mga paa si Ophelia, kung paanong ang kamay niya ay paulit ulit na maghahalukipkip at pupunta sa gilid ng kaniyang mga hita. Sa mga kilos na ito, alam ni Sining na hindi gusto ni Ophelia ang mga nangyayari. Ang laki ng kaniyang pagnanais na kuhanin ang makukulit na kamay na iyon, at yakapin ang kaniyang amo. Ngunit alam niyang sa iilang minuto lamang ay magbabago ang lahat. Kung ano mang nararamdaman niya para kay Ophelia ay magiging kasalanan na sa kasulatan.

Sa buong pagsesermon ng pari ay hindi tumingin ang kaniyang amo sa kaniyang mapapangasawa.

“Mayroon bang tumututol sa kasal na ito,” wika ng pari. Ibinuka ni Sining ang kaniyang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Napayuko si Ophelia.

“Kung gayon, akin na ang mga singsing,” wika ng pari. Inilabas ni Camilo ang mga singsing mula sa kaniyang bulsa. Sa liwanag ng kandila, nakita ni Sining na peke ang mga ito.

‘Ni hindi man lamang siya nag-abalang magpagawa ng tunay na ginto,’ naisip ni Sining.

Unang sinuot ni Camilo ang singsing sa maputing daliri ni Ophelia. Nakita ni Sining sa mukha ng binata kung gaano kalaki ang kawalang-pakialam niya sa kaniyang mapapangasawa. Sa mukha rin ng kapitan nakita ni Sining kung gaano niya kagusto si Ophelia. Inisip niyang siya ang kaharap ngayon ng amo, inisip niyang ang mapang-alaga niyang mga kamay ang nagsusuot ng singsing na gawa sa tunay na ginto sa kamay ni Ophelia, imbes na ang magalas at mapanakit na kamay ni Camilo. Kasing peke ni Camilo ang dala niyang mga singsing.

Ngunit si Sining, tulad ng mga singsing na iyon, hindi din tunay ang kaniyang pakikipagkaibigan kay Ophelia sa umpisa. Pareho lamang nilang niloko ang dalaga. Ngunit tila isa siyang singsing na nilangisan at pinunasan upang isiwalat ang tunay na kinang. Nakasisiguro ang dalaga ngayon, higit kailanman, para sa nararamdaman niya para sa amo.

‘Tila ba mahal ko siya,’ inamin ni Sining sa sarili. Ang naisip na iyon ang parehong nagpaligaya at nagpalungkot ng lubos-lubos sa dalaga.

‘Mahal ko siya,’ mapait na bulong ni Sining sa sarili.

“Ikaw naman, Maria Ophelia Rosario Buenaventura, tinatanggap mo ba si Jose Camilo de Guzman bilang iyong asawa, sa hirap at ginhawa, hanggang kamatayan?,” wika ng pari. Dahan-dahang tumingala si Ophelia at kinuha ang singsing. Hinawakan niya ang kamay ng kapitan, at tinapat ang singsing sa dulo ng kaniyang daliri. May ilang segundong nanginig ang singsing sa tapat ng dulo ng daliri ni Camilo de Guzman, bago humarap si Ophelia kay Sining, mata sa mata, at nagsalita.

“Opo, tinatanggap ko po, padre.”

“Kung gayon, kayo ay mag-asawa na. Humayo kayo at magparami,” wika ng pari. Humiyaw at pumalakpak ang kutsero ni Camilo, ngunit nanatiling blanko ang mukha ng dalawang dalaga. Hindi maintindihan ni Sining ang ginawang pagtitig sa kaniya ni Ophelia habang sinasambit ang pagpayag niya sa pag-iisang dibdib nila ni Camilo.

At sa isang mabilis na kilos ay hinalikan ni Camilo ang kaniyang asawa. Hindi sa labi, hindi sa pisngi, kundi sa isang lugar na higit na mainam. Hinalikan niya si Ophelia sa kaniyang kamay. Tuluyang nagwala ang dragon ng pagseselos sa dibdib ni Sining.

Wala nang masyadong naganap matapos ang nangyaring iyon. Natagpuan na lamang ni Sining ang kaniyang sariling nakaupo sa karo katapat ni Camilo at Ophelia na ngayo’y magkatabi na bilang bagong mag-asawa. Walang nagsalita sa humigit kumulang isang oras nilang biyahe patungo sa Pampanga, sa bahay ng tiyahin ng kapitan. Iniwasan ni Sining ang nakapapasong tingin ni Ophelia hanggang sa huminto ang karo sa harap ng isang malaking bahay. Pinagbuksan ni Camilo ng pintuan ang kaniyang asawa at tinulungan itong bumaba. Sumunod naman si Sining.

Nakita ng dalaga na bagamat maliit ng bahagya ang mansiyon ng tiya ni Camilo kaysa sa alcalde mayor ay magkasing gara lamang ang dalawa. Tulad ng sa alcalde mayor, gawa sa bato ang bahay at mayroong dalawang palapag. Base sa kuwento ni Ophelia, mayroon pa itong isang palapag na nakatago sa ilalim ng lupa. Isang malawak na silid kung saan ikinukulong ang mga alipin at kriminal. Doon gaganapin ang salu-salo upang hindi makabulabog ng mga kapitbahay dahil madaling-araw na matatapos ang kasiyahan.

Ngunit mas malawak ang hardin ngayon na tinatahak ng tatlo patungo sa harap na pintuan ng bahay. Higit na makukulay rin ang mga bulaklak na nakatanim, isang pruweba na babae ang nagpapatakbo ng bahay. Sinenyasan ni Camilo ang kutsero na dalhin na ang gamit ng dalawa sa silid ng kaniyang tiyahin. Sinalubong sila ng isang matandang babaeng halos nakukuba na, ang mayor doma ng mansiyon. Hindi pinansin ni Camilo ang pagbati nito ng magandang gabi.

Sa pagtapak sa loob ng mansiyon ay hagdan agad ang sumalubong kila Sining. Nakita ng dalaga na ang sala ay ilang hakbang pa lagpas ng hagdan na gawa sa makintab na kahoy. Sa may paanan ng hagdan ay hinarap ni Camilo si Sining.

“Palitan mo ang damit ng iyong amo, hindi ko gusto na iyan ang isusuot niya mamaya kapag humarap na siya sa aking mga kaibigan,” ani Camilo.

“Ngunit wala na po kaming ibang baong damit na mas gagara pa sa suot niya ngayon,” sagot ni Sining.

“Kung gayon ay doon muna kayo sa silid ng aking tiya. Mamili na lamang kayo sa mga damit na nasa kaniyang aparador. Matatagpuan ninyo ang silid sa unang pintuan sa kanan pag panhik ninyo. Susunduin ko kayo matapos ang isang oras. Hindi ko pa pinalalagay sa kalan ang mga pagkain dahil nais kong mainit pa ang mga iyon pagbaba ninyo,” utos ni Camilo. “Isa pa, Sining, mag-ayos ka din.”

Tumango si Sining. Nagsimula nang umakyat ang kaniyang amo kaya’t sinundan niya ito. Bumaba naman si Camilo sa pinakailalim na palapag upang batiin ang mga kaibigan niyang naroon na at nagsimula nang mag-inuman.

Si unang pintuan sa kanan, pumasok ang dalawa sa isang silid na halos kasing-laki ng kay Ophelia. Ang bintana nito ay nakatutok rin sa likurang bakuran ng mansiyon. Sinarado iyon ni Sining upang pigilan ang malamig na hangin mula sa labas. Alas otso nang gabi. Marahil, sa mansiyon sa Malolos, alam na nilang nawawala ang dalawang dalaga.

“Maupo ka na muna, Pili,” marahang hinawakan ni Sining sa balikat ang kaniyang amo at inupo ito sa malawak na puting kama. Binuksan niya ang magarang aparador na gawa sa tanso at bumungad sa kaniya ang iba’t ibang uri ng blusa sa iba’t ibang kulay, at mga paldang may kaniya kaniyang bagsak. Marami sa mga ito ay hindi nakikilala ni Sining ang estilo. Naisip ng dalaga na mahilig mangibang-bansa ang tiyahin ni Camilo at namimili siya roon ng mga damit. Kinuha niya ang mga saya na sa tingin niya ay malapit sa mga sinusuot ng kaniyang amo.

“Ano sa tingin mo, Pili?,” ani Sining habang pinakita niya sa amo ang dalawang pinakamagandang bestida na napili.

Nagkibit balikat lamang si Ophelia. “Ikaw na ang bahala, Sining.”

Tiningnan ni Sining ang mukha ni Ophelia.

“Ikaw ay malungkot, sa gabi ng iyong kasal! Pili, hindi ba’t ito ang iyong pinili?, Ikaw ba ay nagsisisi?,” tanong ni Sining.

“Basta’s pumili ka na lamang ng isusuot ko, Sining,” utos ng dalaga.

“Itong kulay mapusyaw na rosas na baro, na may abuhing burda, ito na lamang. Sa tingin ko’y mailalabas nito ang kulay ng iyong mga pisngi at mata,” ani Sining. Hindi sumagot si Ophelia at ibinaba ni Sining ang baro at ang kapareha nitong itim na saya sa tabi ng kaniyang amo sa kama.

“Pili, mamaya na kita bibihisan, maaari ba? Ako’y lubusang nauuhaw at tila hindi na makatitiis, nais ko sanang pumunta sa kusina ng bahay na ito,” pagpapaalam ni Sining. Tumango lamang si Ophelia.

“May nais ka bang dalhin ko sa iyo?,” tanong ni Sining.

“Isang basong tubig na lamang din,” sagot ni Ophelia. Tumango si Sining. Lumapit ang dalaga sa kaniyang tampipi na nakababa malapit sa pintuan at nang hindi nakatingin ang kaniyang amo, kinuha niya ang maliit na boteng ng pampatulog at mabilis na itinago ito sa loob ng kaniyang palda. Nagpaalam ang dalaga sa kaniyang amo bago lumabas ng silid.

Bumaba si Sining sa kahoy na hagdanan, sinubukan niyang huwag lumikha ng tunog ang kaniyang mga yabag. Tinawid niya ang maliit na sala sa kadiliman, ngunit iningatan niyang walang mabasag sa kay daming porselanang pigurin na naroon. Sa babang palapag, rinig na ng dalaga ang mga awit at tugtog ng kasiyahan. Kung tama ang kaniyang hinuha, nasa likod na bahagi din ng bahay na iyon ang kusina kagaya ng sa mansiyon ng alcalde mayor. Sinundan ni Sining ang amoy ng ginigisang sibuyas at bawang, at dinala nga siya nito sa likod bahay. Doon, nakita ni Sining ang isang binata na halos kaedad niya, na nagluluto.

“Manong,” bati ni Sining.

“Ay kabayo!,” nagulat ang lalaki at halos nabitawan na ang hawak na sandok. Higit na maliwanag ang kusina ng tiya ni Camilo kaysa sa mansion, at mas maraming gamit. Nakita ni Sining na nakaabas at nakapatong sa kalan ang sari-saring mga kawa at kaldero, pawing may lamang mga karne, sabay at sarsa. Sa isang bahagi ng pader, nakasabit ang sari-saring sandok at siyanse, at sa isang sulok, mayroong isang malaking tapayan ng alak.

“Ikaw lang mag-isa ang nagluluto ng handa?,” tanong ni Sining.

“Oo, hindi na nga ako magkamayaw. Ngunit nasimulan ko na ang mga iyang lutuin mula kaninang umaga, ngunit ang gusto ni Señor Camilo ay mainit na mainit pa ang mga pagkain at hindi ihahain hangga’t hindi dumarating ang mapapangasawa niya, kaya iniinit ko na lamang,” sagot ng binata.

“Kung gayon ay wala pang nakakakain sa mga bisita sa baba?,” tanong ni Sining.

“Siyang tunay, maliban sa ilang tapas na aking inihain upang huwag naman silang gutumin habang naghihintay. Teka, bakit ko nga ba sinasabi lahat sa iyo ito? Sino ka nga ba?,” tanong ng binata.

“Ako si Sining, ang lingkod ni Ophelia Buenaventura, na ngayon ay de Guzman na,” sagot ni Sining.

“Patawarin mo ako, binibini. Kung gayo’y dumating na pala ang Señora. Ako naman si Igme, ang isa sa mga kasambahay dito. Ngunit dahil ako ang pinakabata, ako ang pinakanauutusan,” wika ng binata. Nagpunas siya ng pawis gamit ang bimpo sa kaniyang leeg.

“Ang ibig mong sabihin ay hindi pa gaanong nakakakain ang mga bisita kaya’t kakain pa sila ng mga luto mo?,” tanong ni Sining. Tumango ang binata. “At marami na ba silang nainom na alak?”

“Kaunti lamang. Nagbukas ako ng ilang vino na hindi gaanong nakalalasing. Ayaw ng Señor na lango sa alak ang mga bisita kapag ipinakilala na niya ang kaniyang asawa,” sagot ni Igme.

“Siya nga? Igme, malayo pa ang aming nilakbay at lubos nang nauuhaw ang Señora. Maaari ba akong humingi ng baso ng tubig para sa kaniya at sa akin?,” ani Sining.

“Aba’y siyempre naman,” sagot ni Igme. “Sandali lamang, nasa labas ang tapayan ng tubig.” At lumabas ng pintuan ang binata sa likuran ng kusina. Mabilis na kumilos si Sining. Inilabas niya ang botelya mula sa ilalim ng kaniyang palda at binuhusan ng pampatulog ang tatlong putahe na kasalukuyang iniinit, ang kanin na sinasaing, at ang tapayan ng serbesa. Ayon kay Manang Bikbik ay napakatapang ng pampatulog na hawak niya, ngunit halos walang lasa. Ibinalik ni Sining ang bote sa kinalalagyan nito saktong bumalik ng kusina si Igme na may dalang isang pitsel ng tubig. Ibinaba ng binate ang pitsel sa kahoy na mesa sa gitna ng kusina. Kumuha siya ng dalawang mataas na basong gawa sa porselana.

“Ito ang para sa iyo,” ani Igme. Nagbuhos siya ng tubig sa isang baso at iniabot ito kay Sining. Ininom ng dalaga ang tubig sa isang lagukan habang nagbuhos ang binata ng tubig sa isa pang baso.

“Ibigay mo ito sa iyong amo,” sagot ni Igme. Tinanggap ng dalaga ang baso at ngumiti.

“Salamat, Igme,” ani Sining. Naglakad na siya patungo sa harap na pintuan ng kusina. Binuksan niya ang mabigat na pintuan, at tumigil, tila ba nag-isip. Sa wakas, nagsalita ang dalaga.

“Igme, pinasasabi nga pala sa iyo ng Señor na maaari ka nang umuwi matapos mong ihain ang mga pagkain,” ani Sining.

“Siya nga? Mabuti naman kung ganoon, hinihintay ako ng mga kapatid ako,” wika ng binate. Ngumiti si Sining at isinara ang pinto.

Binalikan ni Sining ang kaniyang amo sa silid. Nakaupo pa rin si Ophelia sa parehong pwesto sa kama, nakatanaw sa kawalan. Nagtungo si Sining sa kaniyang harapan at iniabot ang baso. Kinuha iyon ni Ophelia at sumipsip ng kaunti, at ibinalik ito sa lingkod. Tumalikod sa kaniya si Sining at ipinatong ang baso sa lamesita sa may bintana.

“Kailangan na kitang bihisan ayon sa utos ng iyong asawa,” ani Sining na nakatalikod pa din sa amo.

“Sining, tumingin ka sa akin,” biglang nagsalita si Ophelia mula sa likod ni Sining.

Hindi siya pinansin ni Sining. “Sa tingin ko, higit na gaganda ang damit mo kung lalagyan kita ng hikaw. At kuwintas. Sandali lamang, maghahanap ako sa mga tukador.”

“Sining!,” napataas ang boses ni Ophelia kaya’t napilitan si Sining na humarap sa kaniya. Sumugod si Ophelia kung saan nakatayo si Sining sa harap ng lamesita. Inilagay niya ang mga daliri sa likod ng ulo ng lingkod at hinalikan ito sa labi.

“Pili, P-pili!,” bahagyang tinulak ni Sining sa balikat ang amo. “Iba na ngayon, may asawa ka na!”

Hindi natinag si Ophelia. Iniikot niya si Sining gamit ang puwersang hindi inakala ninoman na mayroon siya, at itinulak ito patungo sa kama. Napahiga si Sining sa kutson. Sinubukan niyang bumangon ngunit naroon na si Ophelia sa kaniyang ibabaw.

“Anong problema, Sining? Hindi ba’t ginawa na natin ito dati, bilang paghahanda sa unang gabi naming ni Camilo?,” ani Ophelia. Muli niyang hinalikan sa labi ang lingkod ngunit itinulak siya nito.

“Ngunit ginawa ko lamang iyon upang turuan ka ng dapat gawin!,” sagot ni Sining. Muli siyang hinalikan ni Ophelia sa labi. At hinalikan pa. Paulit ulit at puwersado, tila ba mauubusan ang kaniyang amo ng labi.

“Kung gayon ay hindi tayo nanaginip lamang noon, tama ba?,” isang halik. “Tama ba!?,” Isa pang halik.

“Pili..,” sasagot pa sana Sining kung hindi lamang sa malalambot na labi ni Ophelia na nagtikom sa mga labi niya.

“Ang sabi mo, kung totoong may ganoon magkasintahan sa kabilang bahagi ng daigdig, ay maiinggit sila sa atin? Nagsisinungaling ka, Sining. Hindi ko alam kung paano silang maiinggit sa hapdi at sakit na nararamdaman ko sa aking puso,” wika ni Ophelia. Tumulo ang mga luha sa kaniyang abuhing mga mata at nabasa ang mga pisngi ni Sining. Ngunit hindi alam ni Sining kung mga luha nga ng amo ang bumasa sa pisngi o ang sarili niyang pagtangis.

“Hindi makatarungan, Sining,” isang halik. “Nasa ilalim tayo ng iisang buwan ngunit bakit kung kalian malapit ko nang makamtan ang pinakaaasam kong kalayaan, saka ka naman mawawala?”

Isang pang halik.

“Halikan mo ako, Sining, kahit sa huling sandal. Nang maibsan ang pait ng mga halik ni Camilo,” wika ni Ophelia, at muli niyang hinalikan si Sining.

“Hawakan mo ako, Sining, nang maibsan ang paso ng magagaspang niyang mga kamay.” Kinuha ni Ophelia ang kanang kamay ni Sining, hinalikan ang mga daliri at sinipsip ang hintuturo. Matapos noon ay inilagay ni Ophelia ang kamay na iyon sa kaniyang dibdib. Pinadulas niya pababa ang kamay ni Sining, pababa sa kaniyang tiyan, hanggang sa marating nito ang gitna ng kaniyang mga hita. Pinaghiwalay ni Ophelia ang mga binti, isa sa magkabila ng beywang ni Sining.

Mula sa kaniyang kamay, damang dama ni Sining ang init at pagpintig ng laman sa pagitan ng mga hita ni Ophelia, at nagsimula na ring mag-init at pumintig ang kaniya. Inalis ni Sining ang kamay na iyon at inilagay sa likod ng ulo ni Ophelia. Nakita niyang ngumiti ang amo, at gagawin niya ang lahat upang manatili lamang ang ngiting iyon, kaya’t dahan-dahan niyang inilapit ang mukha ni Ophelia sa kaniya.

Nagsalubong ang mga labi sa isang giyera na kung sino ang mananaig. Ngunit nasa ibabaw si Ophelia, at iilang segundo pa lamang ay napagdesisyunan nang siya ang magdidikta ng sayaw. Isang dila ang ipinasok ni Ophelia sa mga labi ng lingkod, na binati naman ng sarili nitong nagbabagang dila. Hinawakan ni Sining ng magkabilang kamay ang ulo ni Ophelia ngunit tinanggal iyon ng kaniyang amo, at inipit sa kama. Si Ophelia na nga ang tunay na nanaig, at walang nagawa si Sining kung hindi gumanti ng halik at pigilan ang pag-ungol.

Bumaba ang mga labi ni Ophelia patungo sa leeg ni Sining, at ginawaran ang tumitibok na balat doon ng magagaang halik. Gutom si Ophelia, at walang karanasan, kaya’t bawat kilos niya ay magaslaw at nagmamadali. Hinubad niya ang kamiseta ng lingkod at itinaas ang pang-ilalim nitong kamisa.

Tumambad kay Ophelia ang hubad na dibdib ni Sining. Ibinaba ni Ophelia doon ang ulo at ginawang unan, samantalang itinaas niya ang palda ni Sining at ibinuka ng dalawang kamay niya ang mga hita ng lingkod. Damang dama niya ang pagkabog ng dibdib ni Sining, ngunit wala siyang narinig na anumang pagtutol mula dito. Ipinuwesto niya ang palasinsingan sa tapat ng tumutibok na laman.

Tumitig si Ophelia sa mga mata ni Sining, tumango naman ang kaniyang lingkod.

“Dahan-dahan lamang,” ani Sining. Idinugtong ni Ophelia ang daliri sa tapat ng tumitibok at basang laman. Pinaglaro niya ito sa maliit na bukol na naroon at nagpakawala ng ungol si Sining.

“Shhhhh,” ani Ophelia. Tinakpan niya ang bibig ni Sining ng sarili niyang mga labi habang dahan-dahan niyang ipinasok ang daliri.

Umungol si Sining sa kaniyang labi at napakabit sa mga balikat ni Ophelia.

“Tuloy,” ani Sining. Dahan-dahang ipinasok ni Ophelia ang daliri hanggang sa masagad na ito. Hindi naman siya nahirapan sapagkat mamasa-masa ang laman, at tila hinigop ang daliri niya. Napayakap si Sining kay Ophelia nang maramdaman niyang sagad na ang pagkakapasok ng daliri.

Ipinatong ni Ophelia ang balakang sa ibabaw ng kamay at nakapasok na daliri at nagsimulang gumalaw. Lalong humihigpit ang pagkapit ni Sining sa amo habang tumatagal ang paglalabas masok. Nagtitigan si Sining at Ophelia at nagsimulang gumalaw ang amo ng mas mabilis. Lahat ay bago sa pakiramdam ni Sining. Hindi niya alam kung paanong ang bahagyang kirot na naramdaman niya kanina ay napalitan ng langit. Nawawala ang hininga sa kaniyang dibdib sa tuwing may matatamaan ang daliri ni Ophelia sa kaniyang loob.

Sinubukan ni Sining na huwag sumigaw, ngunit nang akalain niyang lubos na ang sarap na nadarama, hindi niya alam na may parating pa, at parating pa. Sunod-sunod rurok ng kaligayahang dumagundong sa loob ng kaniyang pagkatao. Isa, dalawa, sinubukan pang bilangin ni Sining ngunit nawala na siya sa pag-iisip. Sa isang banda ay naramdaman niyang muli ang labi ni Ophelia sa kaniyang labi. Marahil ay sumisigaw siya at iyon ang paraan ng dalaga upang siya ay patahimikin. Hindi na niya alam ang nangyayari at wala na din siyang pakialam. Ang mahalaga ay kinulong siya ngayon ng mga bisig ni Ophelia habang siya ay nanginginig at bumababa mula sa inakyat na langit. At na si Ophelia, higit sa sino pa man, ang nagdala sa kaniya sa langit na iyon.

Pawisan na si Sining ng sila ay matapos. Nakita niyang dinilaan ni Ophelia ang daliring ginamit, ngunit hindi niya tuluyang maibuka ang mata. Pinunasan ng kaniyang amo ang kaniyang pawis gamit ang sariling kamay at hinalikan siya sa noo.

“Ayos ka lamang ba, Sining?,” ani Ophelia. Nahiga siya sa tabi ng lingkod at hinimas ang buhok nito.

Hinawakan ni Sining ang pisngi ni Ophelia at ibinuka ang labi upang magsalita, ngunit narinig nila ang katok sa pintuan.

“Ophelia, Sining, handa na ang hapunan,” ani Camilo mula sa likuran ng pinto.

“Mauna ka na, Camilo, susunod na kami, ilang sandali lamang,” ani Ophelia na napaupo. Sinundan siya ni Sining na agad nagising ang diwa.

“Kung gayon ay bilisan ninyo, lalamig ang pagkain. Hihintayin ko kayo sa baba,” ani Camilo. Hinintay ng dalawa ang yabag ng mga paang palayo sa silid bago sila kumilos.

“Ako na lamang ang magbibihis sa sarili ko, magbihis ka na,” ani Ophelia. Nagmadali ang dalawa kaya’t nagkaoras pa silang ayusin ang buhok ng isa’t isa. Sa loob ng limang minuto ay handa na ang mga dalaga.

Sa pagmamadali ay natapakan ni Ophelia ang botelya ng pampatulog na hindi nila napansing nalaglag mula sa palda ni Sining ng itaas ito ng amo.

“Ang gamot mo sa sakit ng ulo, Sining,” turo ni Ophelia sa basag na bote sa sahig.

“Ayos lamang, mabuti at ininom ko na kaninang pagbaba ko sa kusina. Mamaya ko na lilinisin, hinihintay na tayo ni Camilo. Hindi natin alam kung paano magalit ang iyong asawa,” ani Sining. Nawala ang ngiti ni Ophelia nang marinig ang salitang asawa.

Inilagay ni Sining ang isang daliri sa ilalim ng baba ni Ophelia at iniangat ang mukha nito. “Anong malay mo, kapag mamatay tayo at ipanganak muli, ipapanganak tayo sa Madrid, at magiging magkasintahan sa ilalim ng buwan?”

Ngumiti si Ophelia. “Maaari, kung naniniwala ka sa ganoon.”

Hinalikan ni Ophelia si Sining sa labi sa huling pagkakataon, bago nila binuksan ang pintuan ng silid. Bumaba ang dalawa na magkahawak kamay sa kahoy na hagdan, pababa sa pinakailalim na palapag ng bahay. Nagsimula nang maging bati ang mga pader, kamukha ng sa mga kulungan ng gobyernong matatagpuan sa ilalim ng lupa. Sa dulo nang hagdan ay may kahoy na pinto na nakapinid, ngunit rinig ang ingay ng kuwentuhan at tugtugan mula sa loob.

Inilagay ni Ophelia ang kamay sa kandado ng pintuang iyon at binuksan.

Maliwanag ang loob ng maliit na silid. Tama si Sining, isa iyong kulungan. Kitang kita ang mga kadena sa pader na bato ng isang bahagi ng silid kung saan walang mga lamesa. Nang tumingala ang dalaga, nakita niya sa kisame ang bakal na rehas na itinaas upang palakihin ang espasyo ng silid. Nakita din niya ang tatlong mahahabang mesa kung saan nakahain na ang mga plato, kubyertos, at pagkain. Ipinatong din sa isang mesa ang tapayan ng alak na nakita niya sa kusina kanina. Sa buong silid, sila lamang ni Ophelia ang babae, at nakabilang siya ng may dalawampung lalaki na nakauniporme ng mataas na ranggo sa gwardya sibil, dalawang gwardya sibil, at may limang mamamahayag. Nasa puno ng umpukan at kasiyahan si Camilo de Guzman, na nakasuot pa din ng damit pangkasal at may hawak na isang bote ng alak. Nanatili ang dalawa na magkalapit sa may pintuan hangga’t sa mapansin sila ni Camilo.

“Nandiyan na pala kayo,” deklara ni Camilo mula sa kabilang bahagi ng silid. Lumapit siya sa dalawa at nagsitahimikan ang mga lalaki.

“Mga kaibigan, nagagalak akong bahagi kayo ng pinakamasayang gabi ng aking buhay,” panimula ni Camilo.

“Ngayong gabi, ipakikilala ko sa inyo ang isang babaeng kay tagal ko nang hinintay, ang babaeng tutupad sa aking mga pangarap,” wika ni Camilo. Natawa si Sining sa kaniyang isip, alam niyang walang kawawaan ang introduksyon ng kapitan sa asawa.

“Buong buhay ko, bata pa lamang ako ay pinangarap ko nang dalhin ang babaeng ito sa aking bahay, at ipagmalaki sa inyo, mga kaibigan, ang babaeng magwawakas sa aking mga pasakit at magpapalaya sa aking damdamin,” wika ni Camilo. Sumenyas ang kapitan kay Ophelia. Kinuha ng asawa ni Camilo de Guzman ang kamay ng lingkod. Inisip ni Sining ang sinabi ni Camilo na kailangan niyang lumayo sa amo upang mas maging malapit silang mag-asawa, ngunit nakangiti pa rin ang kapitan, walang bakas ng inis sa mukha niya ngayong magkahawak kamay sila ulit ni Ophelia.

Naglakad sila patungo sa bahagi ng silid na walang mesa, malapit sa pader na may mga kadena. Humarap sila sa mga tao, si Sining sa likod ng amo malapit sa pader, at nanatiling magkahawak kamay.

“Ang ating pain, si Zenaida Abad, ang nag-iisang anak ni Sobre Rojo, na siya namang kumitil sa aking mga magulang,” dumagundong ang boses ni Camilo sa mga pader na bato ng silid.

Nagsitayuan ang mga gwardya sibil, ngunit nauna nang lumapit kila Sining ang mga mamamahayag. Hindi naintindihan ni Sining ang nangyayari sa mabilisang pagkilos at paggalaw ng mga tao sa silid. Tinaga ng isang gwardya ang taling nag-aangat sa rehas sa kisame, at bumulusok pababa ang bakal sa pagitan ni Sining at Ophelia. Binitawan ni Ophelia ang kaniyang kamay bago pa man ito matamaan ng rehas.

“Patawarin mo ako, Sining,” bulong ni Ophelia. Iyon ang huling narinig ni Sining buhat sa amo bago siya tuluyang makulong sa gitna ng malamig na rehas at batong pader.

“Ang putang iyan. Umpisa pa lamang ay alam na niya,” bulong ni Sining sa sarili habang pinanonood ang among tumatakbo palabas ng pintuan.

15 responses »

  1. kainis si ophelia…. katulad siya ni maud.. pero excited na ako sa episode 15..🙂 salamat!

  2. hmmmh its been a year pero di parin nagpopost c ate geraldine ng chapter 15

  3. binasa q ulit ito nung mapanuod q ung fingersmith..🙂 sbi q, parang may katulad ung story.. and totoo nga.. sa may chapter 15 na..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s