Sobro Rojo (Episode 11): Sa Loob ng Kuweba

Standard

This is an adaptation of Sarah Waters’ Fingersmith.

Warning, or rather, for your information, this episode contains sexy time. I trust that my readers are mature enough to appreciate scenes containing kissing and sex between members of the same sex. If in any case that it offends you, no one is forcing you to read. And why ever would it offend you, what’s wrong with you?

Congratulations to the UP Pep Squad for our 3-peat and 8th Championship in the Samsung-UAAP Cheerdance Competition. Isang malayang UP!

Leave your comments below, enjoy!

Episodes are complied in the Shows tab.

Halos hindi maidugtong ni Sining ang dulo ng lapis sa papel. Magkakalahati na ng papel ang kaniyang nasusulatan ngunit hindi pa din niya maitama at mabuo-buo ang sariling pangalan. Madalas ay nagkukulang o di kaya ay napagbabaligtad niya ang mga titik. Minsan naman, ang pagkakamali ay dala lamang ng panginginig ng kamay. Nakabantay sa kaniyang likuran si Ophelia, mapagmasid sa bawat pagkakamali. Tutok na tutok ang mukha ng kaniyang amo sa kaniyang batok, ang bawat salita’y may katumbas na mainit na hiningang nagpapatayo sa mga balahibo sa likuran ng kaniyang leeg.

“Sining, napagbaligtad mo na naman ang ‘b’ at ‘d’,” ani Ophelia. Dumaloy ang mainit na hininga sa batok ni Sining. Napatingin siya sa sinusulat.

Zenaiba Adab

Napabuntong hininga ang dalaga. Mag-a-alas nuebe na ngunit hindi pa din nagagalaw ang almusal ng itlog at mamahaling tinapay na inilipat nila sa ibabaw ng kama ni Ophelia.

“Bakit hindi ka muna magpahinga, Sining, ano ba ang iyong pinagmamadali?,” tanong ni Ophelia.

“Nangako ako sa iyo, igagawa kita ng tula,” ani Sining. Sumandal siya sa upuan. Lumayo si Ophelia sa kaniyang likuran at naramdaman ng dalaga ang lamig ng kawalan.

“Ano’ng mga tula ba ang madalas mong kinakatha sa iyong isip?” tanong ni Ophelia. Kinuha niya ang manipis na libro na puno ng mga larawan na kaniyang iginuhit.

“Mga tula tungkol sa pag-ibig,” ani Sining. Natawa si Ophelia.

“Ikaw, Sining? Isang babaeng hindi pa nakakaranas na magmahal, gumagawa ng mga tula ukol sa pag-ibig?” ani Ophelia. Hindi nakasagot si Sining.

“Hindi ba’t sinabi mong hindi mo mahal ang manliligaw mo, ano nga uli ang kaniyang pangalan?” tanong ni Ophelia.

“Lucas,” sagot ni Sining.

“Kung hindi mo mahal si Lucas, saan ka kumukuha ng damdamin upang isulat ang iyong mga tula? Paano mo nagagawang ilarawan ang pag-ibig kung hindi mo pa ito nararanasan?” tanong ni Ophelia. Hindi umimik si Sining.

“Mayroon bang iba, Sining?” tanong ni Ophelia. Napatingin si Sining sa mga abuhing mata ni Ophelia. Maging ang mga ito ay naghahanap ng sagot.

Tumayo si Sining at inirolyo ang papel na sinisulatan.

“Bakit ba iyan ang ating pinag-uusapan? Mabuti pa at kumain na tayo ng almusal. Maaaring dala lamang ng gutom ang iyong pinagsasasabi at marahil din, kaya hindi ko makuha-kuha ang aking isinusulat,” ani Sining. Iniligpit niya ang mga kagamitang pang-sulat at ipinatong ang bandehado ng kanilang almusal sa lamesita. Naupo na si Sining at nagsimulang kumain ng pritong itlog na ipinalaman niya sa kaniyang pandesal. Hindi na katulad ng dati na kailangan pang hintayin ni Sining na maunang sumubo si Ophelia upang maging hudyat na maaari na siyang kumain. Hindi naman sa idineklara ng kaniyang amo na kailangan niya itong gawin, ngunit dahil noon, iniisip pa ni Sining na siya ay hamak na lingkod lamang at marapat na pagsilbihan muna ang kaniyang amo. Ngayon ay mas malayang nagagawa ni Sining kung ano ang gusto niya. Patungo na sana si Ophelia sa la mesita ng may marinig na mahinang tuktok sa capiz na bintana ng kaniyang silid. Tumungo si Ophelia sa gilid ng bintana at binuksan ito. Isang binatilyo na halos ka-edad ng dalawang dalaga ang nasa baba, sa likod na bakuran ng mansiyon, at akmang ibabato ang ikalawang piraso ng munggo sa kaniyang kamay sa bintana nang makitang dumungaw ang mukha ni Ophelia.

“Sino iyan?” tanong ni Sining na lumapit sa kaniyang amo. Iwinagayway ng patpating binata na may mahabang buhok ang isang pulang sobre.

“Sining, babain mo si Tinio, ngunit huwag kang magpapakita kahit kanino,” ani Ophelia. Tumango si Sining at sinunod ang amo. Sinubukan ni Sining na huwag makahalubilo ang kahit na sino sa kaniyang pagbaba. Alam niya na sa ganoong oras ay namamalantsa ang hermana mayor. Ang hardinero naman ay nagdidilig sa hardin sa harapan ng bahay, samantalang ang tagaluto ay hindi pa babalik hanggang isang oras bago mananghalian. Ang alcalde mayor naman ay pumunta ng maynila at bukas pa magbabalik. Walang hirap na tumungo si Sining sa likod na pintuan ng bahay. Sa likod na bakuran, naghihintay sa kaniya ang patpating binata sa likod ng isang puno ng kaimito. Napansin ni Sining ang ilang buhok sa baba nito na patubo pa lamang. Nginitian siya ng binata. Nakita ni Sining na wala itong isang ngipin sa harapan. Ibinigay ng lalaki ang sobra kay Sining.

“Mangyaring pakibigay ito sa iyong amo,” ani ng binata. Kinuha ni Sining ang sobra at nagpasalamat.

“Ako nga pala si Tinio, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?,” ani Tinio sabay kindat kay Sining. Kumunot ang noo ng dalaga.

“Hindi.” sagot ni Sining, sabay talikod pabalik ng bahay.

Pinanood ni Ophelia ang eksena sa baba. Nakita niyang nagkamot ng ulo si Tinio ng talikuran si Sining. Pinanood pa muna ng binata ang dalaga hanggang sa muli itong makapasok sa mansyon bago niya inakyat ang mataas na pader.

Bumukas ang pintuan sa likod ni Ophelia.

“Sino ba ang lalaking iyon, Pili?” ani Sining. Iniabot niya ang pulang sobra kay Ophelia na tinanggap itong nanginginig ang mga kamay.

“Tauhan ni Camilo,” sagot ni Ophelia. “Ipagpatuloy mo na ang iyong pagkain, maraming salamat.”

Nagkibit balikat si Sining at muling umupo sa lamesita. Binuksan ni Ophelia ang liham at binasa ito sa ilalim ng sinag ng araw sa may bintana. Humigop ng kape si Sining habang pinanood ang amo. Sandali pa lamang nitong binabasa ang liham ay agad nang kumunot ang noo nito.

“Ano ang sinabi ni Camilo?” tanong ni Sining habang ngumunguya ng pandesal. Kadalasan ay matatawa si Ophelia sa tuwing magsasalita si Sining na puno ang bibig ngunit nagbuntong hininga lamang ito.

“Wala naman. Pabalik na raw siya at dadalaw dito bukas,” sagot ni Ophelia.

Nagpabalik-balik ng paglalakad si Ophelia sa hinaba ng kaniyang kuwarto sa sumunod na oras. Hindi din siya napakain ni Sining ng almusal sapagkat hindi na raw ito nagugutom. Hindi niya sinagot ang mga tanong ng kaniyang lingkod, sa halip, ipinasulat na lamang dito ng paulit ulit ang buo niyang pangalan bilang pagsasanay.

Sa tuwing magnanakaw ng sulyap si Sining sa kaniyang amo habang ginagawa ang pagsasanay ay mahuhuli niyang nagnanakaw din ito ng tingin. Napansin ni Sining ang namumuong mga butil ng pawis na nunukal sa noo ng amo. Huminto ito sa may bintana at nagbuntong hininga. Nang tumunog ang lumang orasan sa may sala na hudyat na alas dies y media na ay napaatras ito sa sobrang pagkagulat.

“Pili, ano ba ang hindi mo sinasabi sa akin?,” hindi na nakatiis si Sining.

Tumingin sa kaniya ang dalaga na tila nagulat na nadoon siya.

“Tapos ka na bang kumain?” ani Ophelia. Tumaas ang kilay ni Sining.

“Oo.”

“Kung gayon ay gusto kong maligo,” ani Ophelia.

“Sige, ibababa ko lamang ang ating kinainan at pagkatapos ay magpapaakyat na ako ng mainit na tubig,” ani Sining. Nagsimula siyang mag-urong ng pinagkainan.

“Hindi dito. Nais kong maligo sa talon, iyong pinuntahan natin noon,” ani Ophelia.

“Sa San Matias? Ngunit wala ang iyong ama, paano tayo magpapaalam?” ani Sining.

“Ako na ang bahala. Hindi ako kayang hindian ni Hermana Amparo at hindi mahilig magsumbong ang mga tao dito. Kung tutuusin ay naaawa sila sa akin, kaya’t kapag wala si papa ay nagagawa ko kung ano man ang gustuhin ko basta’t may kasama. At nandiyan ka naman. Isa pa, sa makalawa pa babalik si papa kaya’t hindi niya kailangan malaman ang gagawin nating pag-alis,” paliwanag ni Ophelia.

“Ngunit kailangan natin kumuha ng karuwahe dahil dinala ng iyong ama ang karuwahe at kutsero. Magpapatawag ako,” ani Sining.

“Huwag na, baka matagalan pa iyon, kumuha na lamang tayo ng kabayo sa kuwadra ni papa at aangkas na lamang ako sa likuran mo. Hindi ba’t naikwento mo dati na magaling kang mangabayo?,” ani Ophelia.

“Ngunit madaming makakakita sa iyo sa labas, at delikado,” ani Sining.

“Ligtas ako sa piling mo,” sagot ni Ophelia. Napansin ni Sining na namula ang kaniyang mga pisngi. “Sige na, Sining”

“Sige, kukuha na ako ng kabayo ngunit magpaalam ka muna kay Hermana Amparo,”

“Salamat!” napatalon si Ophelia. At sa di inaasahan ay binigyan niya ng isang halik ang lingkod sa pisngi.

Lumabas na ng pintuan ang kaniyang amo upang magpaalam sa mayor doma ngunit hawak pa din ni Sining ang kaniyang pisnging nag-iinit. Inilapat niya ang mga daliring inihawak sa pisngi sa kaniyang mga labi.

Nagkita ang dalawa sa labas ng kuwadra ng Alcalde Mayor. Tangan ni Sining ang isang kulay itim na kabayo. Hinimas ni Ophelia ang ulo ng kabayo.

“Si Rustico pala ang iyong napili,” ani Ophelia. “Hindi na ako nagpahanda ng makakain. Mamitas na lamang tayo ng mga bunga sa loob ng gubat.”

“Sige, ngunit isuot mo ito,” ani Sining, at iniabot niya ang isang malapad na sumbrero kay Ophelia. “Ayaw kong masunog ang balat mo sa init ng araw.” Itinali ni Sining ang tampipi ng mga damit na ipinaimpake ni Ophelia sa likod ng kabayo.

‘Gaya ng ginawa ng halik mo sa aking pisngi,’ dugtong ni Sining sa kaniyang isip. Isinuot ni Ophelia ang sumbrero at bumagay ang kulay rosas nitong kulay sa kaniyang mga pisnging bahagya nang pumula sa sandaling pagkakabilad sa araw. Naunang umakyat ng kabayo si Sining at tinulungan niya ang kaniyang amo. Humawak si Sining sa tali ng kabayo samantalang naramdaman naman niya na pumalibot ang mga braso ng kaniyang amo sa kaniyang baywang. Inakala ng dalagang nagsayaw ang kaniyang mga bituka.

“Sigurado ka ba, Sining, na marunong kang mangabayo?” ika ng namamahala ng kuwadra.

“Huwag kang mag-alala Mang Tiburcio, bata pa lamang ako’y nangangabayo na ako. Ani Sining. Pinalakad niya ang kabayo hanggang sa bukana ng mansyon. Ipinagbukas siya ng hardinero ng tarangkahang bakal.

“Hiya!” sigaw ni Sining, at napakapit pa ng maigi si Ophelia sa kaniyang beywang.

Mag-iisang oras na ng makarating sila sa labas ng gubat ng San Matias.

“Kakayanin ba ng kabayo ang makapasok sa loob?” tanong ni Ophelia.

“Oo, basta’t maglalakad lamang itong si Rustico,” ani Sining, sabay himas sa buhok ng kabayo. “Hindi ko na naaalala ang papunta sa talon, naaalala mo pa ba?”

“Oo, ako na lamang ang matuturo,” ani Ophelia. Bumaba si Sining sa kabayo at hinila ito, habang nakaupo ang kaniyang amo’t nagbigay direksyon.

Dinala siya ni Ophelia sa isang pamilyar na bahagi ng kakahuyan. Unti-unting numipis ang masukal na gubat, hangga’t sa lumaki ang pagitan ng mga puno. Bitbit ni Sining ang mga damit na ipinaempake sa kaniya ng kaniyang amo. Alam na niya kung saan ang kanilang tungo. Sa di kalayuan, rinig ni Sining ang rumaragasang tubig ng talon. Tumalon si Ophelia mula sa kabayo at kumaripas patungo sa tubig.

“Pili, sandali lamang, baka ikaw naman ay madulas,” babala ni Sining. Nagkalat ang mga naputol na sanga sa lupa sa paligid ng talon. Saan man, walang makitang bakas si Sining na mayroong ibang taong naparoon buhat noong huli silang nandoon. Walang mga bakas ng paa, mga naapakang sanga, mga nangalukot na dahon sa ilalim ng mga yabag. Maging ang pinagbagaan ng ginawang apoy ni Sining ay naroroon pa sa eksaktong pagkakaayos noong iniwan nila ito. Itinali niya ang kabayo sa isang puno malabit sa batis upang makainom ito ng tubig. Sa di kalayuan, naghubad ng bestida si Ophelia, hanggang sa kamiseta na lamang na panloob ang natira niyang suot. Iniabot niya ang palda at blusa sa kaniyang lingkod.

Napalunok si Sining. Sa araw araw niyang nakikita na nakahubad ang kaniyang amo, pakiramdam niya ay napakatindi na ng kaniyang kasalanan. Hindi man maalam si Sining sa mga dasal at mga aral ng katolisismo, alam niyang masama ang manamantala. At ang bawat sulyap sa makinis na balat ni Ophelia, ang bawat pagtitig sa mayayaman niyang dibdib ay dumurumi sa kaniyang kaluluwa. Ang kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita na una niyang naramdaman halos isang buwan na ang nakararaan ay nakilala niya bilang pagnanasa. At bagaman ito ang unang beses na ito’y kaniyang maranasan, alam niyang hindi siya maaaring magkamali. Madalas niya noong makita ang matipunong katawan ni Lucas, at ng iba pang binata sa katipunan, kapag naliligo ang mga ito sa batis at ipinagdadala niya ng tuwalyang pantuyo. Ngunit wala ang kirot, at tanging damdamin na kaniyang nararamdaman ay kawalan ng pakielam. Ngunit ang katawan ni Ophelia ay bumabaliw sa kaniya, ang bawat hubog nito ay nais niyang kabisaduhin, ang bawat sulok ay nais niyang sambahin. Hindi din nakakatulong na pakiramdam ni Sining na sinasadya ng amo na ibaba ang isang manggas upang magpakita ng balikat, o ng bawat paguumpugan ng kanilang mga braso habang sila ay naliligo ng sabay ay mas mahaba ng isang segundo sa kailangan. Hindi walang malay si Sining, alam niya kung ano ang ginagawa ng mag-asawa kapag sila ay naiiwan sa loob ng kanilang silid. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung paano ito ginagawa ng dalawang babae. Napalunok si Sining. Tumitindi na nga ang kaniyang kasalanan.

“Sining,” inalis ng tinig ni Ophelia si Sining mula sa kaniyang pagmumuni muni. “Iwanan mo na ang iba nating gamit diyan ngunit dalhin mo ang banig, may nais akong tingnan sa likod ng talon.” Nakalubog na ang tuhod ni Ophelia sa tubig, kung saan niya hinihintay si Sining. Ibinaba ni Sining sa lupa ang dala niyang bayong at hinubad ang blusa at palda. Binitbit niya ang binaong banig at lumusong sa tubig na nakadamit-panloob lamang. Hinawakan ni Ophelia ang kamay ng kaniyang lingkod at hinila ito patungo sa bumabagsak na tubig,

“Nakita ko ito noong huli tayong pumunta,” panimula ni Ophelia. “Mayroong maliit na kuweba sa likod ng talon.”

Magkahawak ang kamay, sinundan ni Sining si Ophelia at inalalayan ito habang inaakyat ang madulas at malumot na bato.

“Ito na nga iyon, hindi ako nagkamali,” deklara ni Ophelia. Sa likod ng bumabagsak na tubig ay isang maliit na kuweba na kakasya lamang ang tatlong tao. Umapak si Ophelia sa isang nakaangat na bato upang makaakyat patungo sa kuweba, ngunit hindi niya napansin ang lumot. Dumulas ang kaniyang paa. Mabilis na sinalo no Sining ang kaniyang amo sa kaniyang mga bisig. Matibay ang mga binti ni Sining at sanay kumapit ang kaniyang mga paa maging sa madudulas na batuhan dala ng ilang taong paninirahan sa gubat at paligid ng mga batis. Walang hirap na binuhat ni Sining ang buong bigat ng amo. Napahawak si Ophelia sa kaniyang balikat, at magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha, at halos maramdaman na ni Sining sa kaniyang balat ang pagpaspas ng hangin sa tuwing kukurap ang kaniyang amo. Ang takot na nakita niya sa mga abuhing mata ni Ophelia dahil sa muntik nang pagkakahulog ay napalitan ng kisap na matagal na niyang hindi nakikita.

“Salamat,” ani Ophelia. Itinukod niya ang mapuputing kamay sa mga balikat ni Sining at iniapak ang paa sa loob ng kuweba. Sumunod sa kaniya si Sining na hindi pa din makalimutan ang kisap na nakita sa mata ng kaniyang amo.

Hindi kalakihan ang loob ng kuweba, sapat lamang ang haba nito upang mahiga ang limang tao. Umupo si Sining sa tabi ni Ophelia na akap akap ang kaniyang mga tuhod. Nakita niyang hindi ito mapakali.

“Pili, may bumabagabag ba sa iyong isip?,” tanong ni Sining. Ipinatong niya ang isang magaang kamay sa braso ng kaniyang amo.

Bumuntong-hininga si Ophelia. “Iyong sulat sa pulang sobre na palihim na iniabot sa akin ni Tinio.”

“Ano ba ang laman ng sulat na iyon?,” tanong ni Sining.

“Si Tinio ay tauhan ni Camilo,” panimula ni Sining. “Galing sa kaniya ang sulat, at darating siya bukas.”

“Kung gayon ay bakit tayo umalis, at nagpunta rito?,” pagtataka ni Sining.

“Dahil ako ay natatakot,” ani Ophelia. Batid ni Sining ang panginginig sa boses ng kaniyang amo. Dahan-dahang gumalaw si Ophelia at inihiga ang kaniyang ulo sa balikat ni Sining. Walang atubili na iniakbay ni Sining ang kaniyang braso sa balikat ng kaniyang amo. Naglakbay ang kayumanggi niyang kamay patungo sa mamasa-masang buhok ni Ophelia at hinimas ito.

“Huwag kang matakot kay Camilo, wala siyang maaaring gawin sa iyo hangga’t nandito ako,” ani Sining.

“Hindi ako sa kaniya natatakot, kung hindi sa malapit nang mangyari,” ani Ophelia. Hindi nagsalita si Sining at pinabayaan ang kaniyang amo na ituloy ang sasabihin.

“Niyaya na niya akong magtanan at magpakasal,” bulong ni Ophelia.

“Magtanan?” nabigla si Sining. Wala ito sa usapan nila ng kapitan. “Ngunit bakit ka niya kailangang itanan? Gustong gusto naman siya ng iyong ama.”

“Kaya siya gusto ni papa dahil akala nilang dalawa ay madedestino na siya sa Malolos bilang kapitan ng mga gwardya sibil. Ayon sa liham niya ay nagbago ang isip ng Gobernador Heneral at ipadadala siya sa Sebu dahil kamamatay lamang ng kapitan doon. Mangyayari ito sa susunod na lingko. Kapag nalaman ni pap ay hindi na siya papayag na ipakasal kami dahil ayaw niyang malayo ako sa kaniyang tabi. Hindi niya ako pakakawalan, Sining,” sagot ni Ophelia.

“At si Camilo lamang ang nakikita mong paraan upang makalayo ka, ganoon ba?,” tanong ni Ophelia.

“Hindi ko na alam. Nang malaman kong sa Sebu siya madedestino ay naging higit na mainam para sa akin dahil mas malayo ito sa aking ama. Ngunit hindi na papayag si papa, kaya’t itatanan niya ako. Ang mahirap lamang ay hindi ko inasahang magiging ganito kabilis ang mga pangyayari,” ani Ophelia.

“Mahal mo ba siya?,” tanong ni Sining. Inihanda niya ang sarili para sa isasagot ng kaniyang amo.

“Kailangan ba?” ibinalik ni Ophelia ang tanong.

“Hindi mo kailangan pumayag sa kahit anong hilingin niya, hindi mo kailangang magpakasal,” ani Sining.

“Gagawin ko lamang iyon kung mabibigyan mo ako ng dahilan upang huwag nga siyang pakasalan,” ani Ophelia. Tumingin si Sining sa abuhing mga mata ni Ophelia na naghihintay ng sagot. Nakita niya sa kaniyang isipan ang mga mukha ni Lucas, ni Kapitan Gani, at ang mga tao sa kilusan. Ibinuka niya ang kaniyang bibig ngunit walang lumabas na kasagutan.

“Sabi ko na nga ba, wala kang maibibigay na dahilan upang huwag kong pakasalan si Camilo,” ani Ophelia. Napayuko si Sining, nasaktan.

“Ngunit ang ikinatatakot ko,” muling nagsalita si Ophelia matapos ang ilang sandali ng katahimikan. “Hindi ko alam kung ano ang dapat ginagawa ng babae sa unang gabi matapos ang kasal.” Hinawakan ni Ophelia ang braso ni Sining at napalunok ito.

“Pili, nagbibiro ka ba? Maaari bang hindi mo alam?” tanong ni Sining. Namula ng bahagya ang mga pisngi ng kaniyang amo.

“Mayroon akong konting nalalaman, dahil sa ginagawa ni papa, ngunit hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ikilos” ani Ophelia. “Hindi mo ako maaaring pabayaan, Sining, ayaw kong mapahiya kay Camilo sa unang gabi naming magkasama,”

Napalunok si Sining. Kung kaya lamang mamula ng kaniyang kutis ay mapulang mapula na ang kaniyang mga pisngi.

“Sa pagkakaalam ko, magsisimula ito sa halik,” ani Sining.

“Wala pa akong nahahalikan, paano kung isipin ni Camilong wala akong kuwenta?” ani Ophelia. Nakita ni Sining ang takot sa abuhin niyang mga mata.

“Huwag kang matakot. Si Camilo ang maguumpisa noon, kailangan mo lamang sumunod,” ani Sining.

“Turuan mo ako, Sining,” hiling ni Ophelia. Yumakap siya sa braso ng kaniyang lingkod at nagmakaawa. Gumana ito kay Sining.

“Huminahon ka, Pili. Isipin mong ako si Camilo,” panimula ni Sining. Hinawahan niya ang kamay ni Ophelia at hinalikan ito. Tila langit ang malambot na balat ng kaniyang amo sa kaniyang mga labi. Nanginig si Ophelia.

“Ipikit mo ang mga mata mo,” ani Sining. Pinanood niya ang makakapal na pilik ng kaniyang amo habang ipinipikit ang mga mata. “Ibuka mo ng bahagya ang iyong mga labi.” Sinunod siya nito. Hinawakan ni Sining ang pisngi ng amo at hinimas ito. Dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha.

“Kunwari, ako si Camilo,” bulong ni Sining. Hindi umimik si Ophelia at naghintay. Dahan-dahang niyang tinulay ang pagitan ng kanilang mga labi.

Nagsimula ang halik sa marahang pag-uumpugan ng mga labi. Wala din namang alam si Sining ukol dito dahil wala pa din siyang nahahalikan, ngunit ayaw itong ipahalata ng dalaga sa kaniyang amo kaya naman sinubukan niyang maging agresibo. Maalat-alat at manamis namis ang labi ng kaniyang amo. Gaya ng inaasahan, malalambot ang mga labi ni Ophelia. Umatras si Sining bago pa man magsimulang muli ang kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Ngunit sa pagtatapos ng kanilang halik ay sinundan siya ni Ophelia at muling inangkin ang kaniyang mga labi.

Nagulat si Sining nang muling maramdaman ang mga labi ni Ophelia. Mas malaki ang buka ng mga labi ng kaniyang amo, at hinatak siya nito patungo sa kaniya. Nagtagpo ang kanilang mga labi sa isang matinding puwersa. Maya-maya pa’y inilabas ni Ophelia ang kaniyang dila upang tikman ang labi ni Sining. Nagwala ang demonyo sa pagitan ng mga hita ng lingkod at sinalubong ang dila ng kaniyang amo ng sariling nagbabagang dila. Dahan-dahang inihiga ni Sining si Ophelia sa sahig ng kuweba at ipinatong as sariling katawan sa ibabaw ng katawan ng dalaga.

Kapwa nila hindi ininda ang lamig ng sahig ng kuweba. Hinaplos ni Ophelia ang buhok ni Sining habang hinahalikan nito ang noo, ilong, labi, pisngi ng amo. Napangiti si Ophelia ng makiliti nang halikan siya ni Sining sa kaniyang leeg kaya naman inulit ulit ito ng dalaga.

Hinawakan ni Sining mula sa ibabaw ng manipis na kamison ang kanang dibdib ni Ophelia at napaungol ang dalaga. Ipinasok niya ang mga daliri mula sa laylayan sa itaas at hinawakan ng malalamig na daliri ang nakatayong itim na perlas na nandoon. Nakagat ni Sining sa pagkagigil ang ibabang labi ni Ophelia, habang bumaba naman ang kaniyang kamay sa kahabaan ng katawan ng amo. Naghiwalay ang mga hita ni Ophelia nang manahan sa pagitan noon ang palad ni Sining. Tumigil sa pagkilos ang dalaga.

Dumilat si Ophelia nang maramdamang hindi na kumikilos si Sining sa kaniyang ibabaw. Nakita niya ang kulay tsokolateng mga mata ng lingkod na humihingi ng permiso. Tumango si Ophelia.

Isang mahabang palasingsingan ang ipinasok ni Sining sa gitna ng hita ni Ophelia. Ikinagulat ng dalaga ang mainit at mamasa-masang laman na sumalubong at tila humigop sa kaniyang daliri. Napayakap sa kaniya si Ophelia ng maisagad niya ang pagkakapasok sa kaniyang daliri. Dahan dahan niyang inilabas masok ang daliri habang muling inangkin ni Ophelia ang kaniyang mga labi.

“Sining!” napahiyaw si Ophelia. Inakala ni Sining na nasaktan niya ang kaniyang amo kaya’t aalisin na sana niya ang daliri ng pigilan ito ng kamay ng amo.

“Tuloy,” bulong ni Ophelia sa pagitan ng malalalim na paghinga.

Itinuloy ni Sining ang paglabas-masok ng daliri, isinabay niya dito ang paggalaw din ng kaniyang katawan sa ibabaw ng katawan ng amo.

“Sining!” muling napahiyaw si Ophelia at nanginig ang buong katawan. Humigpit ang kapit ni Ophelia sa katawan ni Sining habang umangat ang kaniyang mga balikat. Hindi alam ni Sining kung ano ang nangyayari kay Ophelia, ngunit mula sa ngiti sa labi ni ay batid niyang hindi ito masama. Ipinagpatuloy niya ang paglabas masok ng daliri hanggang sa tumigil ang panginginig ng katawan ng kaniyang amo.

Inilabas ni Sining ang kaniyang daliri at hinaplos ang pisngi ni Ophelia.

“Aking hiyas, aking hiyas,” inulit ulit ni Sining at nangiti si Ophelia.

Hinalikan ng dalaga ang noo ng kaniyang amo at bumagsak sa tabi nito sa kapaguran.

2 responses »

  1. hon, bakit ang galing galing mo? mas masaya talaga basahin dito mismo kesa pag binibigyan mo ako ng copy beforehand. hahaha i love you🙂

    also, hello readers! birthday bukas [09/27] ni g.touer. batiin niyo!!

  2. Dude, Happy Birthday! Ilang araw ko nang nabasa yung ch11 ng sobre at ngayon lang ako mkkpag-comment🙂 Kahit bitin ang repress pa ang sexy times nina Pili at Sining, masasabi kong tastefully done ang pagkakasulat mo sa kanilang intimate moment. At sana marami pang sumunod na sexy times, tulad ng sa Fingersmith…hehe🙂 Btw, may pagkakataon ba na sa POV naman ni Pili mailalahad ang mga pangyayari sa sobre? Medyo taliwas nga lang ito sa Fingersmith na ang POV ay kay _____ (opposite Maud, forgot her character). Anyhow, aabangan ko ang next chapter..

    Salamat sa pagbabahagi🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s