Ang Tunay na Tomboy

Standard

This post is not meant to offend anyone. This is just a parody of the Tunay na Lalake/Babae topic of Boys Night Out.  Also, this is mostly just a description of myself.

In this age of faux-bianism, how do we distinguish a legitimate lesbian from a mere Justin Bieber look alike?



1. Ang tunay na tomboy, hindi kumakanta ng I Kissed a Girl ni Katy Perry.

2. Ang tunay na tomboy, kayang maligo ng mas mabilis pa sa kaniyang pagtu-toothbrush.

3. Ang tunay na tomboy ay mahilig manood ng mga pelikula kung saan malalakas na babae ang bida.

4. Ang tunay na tomboy ay laging sumasakay sa may pintuan ng jeep. Kung sakali mang maupo sa gitna ng jeep, ang tunay na tomboy ay hindi humahawak sa railings sa gitna, bagkus ay sinasabit niya ang kaniyang siko sa side-railings ng jeep.

5. Ang tunay na tomboy ay kayang sumakay nang nakatayo sa MRT na walang hinawakan.

6. Ang tunay na tomboy, hindi tinatakpan ang bibig pag naghihikab.

7. Ang tunay na tomboy ay laging maiksi ang kuko.

8. Ang tunay na tomboy, hindi type si  Megan Fox.

9. Ang tunay na tomboy, tamad maglabas ng payong kung umuulan o matindi ang sikat ng araw.

10. Ang tunay na tomboy ay may side bangs.

Comment if you agree or you want to add something to the list of the qualities of a true blue dyke.

10 responses »

  1. “4. Ang tunay na tomboy ay laging sumasakay sa may pintuan ng jeep. Kung sakali mang maupo sa gitna ng jeep, ang tunay na tomboy ay hindi humahawak sa railings sa gitna, bagkus ay sinasabit niya ang kaniyang siko sa side-railings ng jeep.”

    AGREE! HAHAHA! o kaya katabi ni Manong Driver. Wala pa din akong kadala-dala nun kahit medyo namanyak (hindi ako obvious na butch non) na ako.🙂

    “9. Ang tunay na tomboy, tamad maglabas ng payong kung umuulan o matindi ang sikat ng araw.”

    well, tamad talaga ako magdala ng payong.

  2. LOL @ Megan Fox.😀 My take:

    1. Ang tunay na tomboy, crush si Wynona Rider nung bata.

    2. Ang tunay na tomboy, hindi mahilig sa Barbie dolls. Kung binigyan man sya, siguradong na-decapitate nya lang ang mga ito.

    3. Ang tunay na tomboy ay walang arteng kakain ng street food.

    4. Ang tunay na tomboy, memorized ang mga kanta ng Indigo Girls.

    5. Ang tunay na tomboy ay maingat sa pronouns kapag inuusisa ang kanyang lovelife ng ibang tao.

    6. Ang tunay na tomboy ay hindi (gaanong) tumitili sa flying ipis.

    7. Ang tunay na tomboy, panay ang daan sa mumunting LGBT section ng bookstores dahil baka may makita syang cute na tumitingin din dito.

    8. Ang tunay na tomboy ay mapagmahal at hindi nananakit ng kapwa babae.

    9. Ang tunay na tomboy ay mahilig sa pets, lalo na sa mga pusa.

    10. Ang tunay na tomboy ay natatawa sa “lesbian” porn.

  3. Pingback: Ang Tunay na Tomboy « Hmmm…

  4. Para saken:

    Ang tunay na tomboy ay favorite si Ellen Degeneres o si shane na LWORD
    ang tunay na tomboy mahilig sa bata (babies)
    Ang tunay na tomboy hindi nahihiya sa preference nya. Questionin man sya nang tao baket ganon sya, lakas loob nyang sasagutin ang mga tanong na mga taong d nakakaintindi sakanya
    Ang tunay na tomboy artistic
    Ang tunay na tomboy crush ang teacher nila nung kinder sila
    Ang tunay na tomboy kating kati sa dress na pinapasuot saknila nang mommy nila noong bata pa sila
    Ang tunay na tomboy malakas uminom!😀

  5. @scout. 5. Ang tunay na tomboy ay maingat sa pronouns kapag inuusisa ang kanyang lovelife ng ibang tao. FTW

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s